2-paano nga ba?

8 2 0
                                        

(Kristina)

*11 months ago*

" Kristina!! may balita ako! "

Tawag sa akin ni Gill, isa kong katrabaho habang busy ako sa pag-eencode ng mga requirement na dapat ay gagawin ng hukluban kong boss.

" ibinalita ni boss kanina na magkakaroon daw tayo ng team building! di ba?  masaya yon.. atleast hindi na lang puro trabaho ang gagawin natin "

Tuwang tuwa niyang sambit pero ako ay parang wala lang,  team building na naman,  tapos tatambakan kami ng trabaho .. mas mabuting huwag na lang.
Iyan ang tanging tumakbo sa isip ko ng marinig ko iyon.

" tapos isasama raw niya sa atin iyong pamangkin niyang model!  Si Micheal Angelo ba yon?  hindi kasi masyadong sikat..  pero ang mahalaga ay model at balita ko ay pogi raw yon!!  baka siya na talaga ang nakatadhana para sa akin "

Saad niya sabay tili.
Hays!  kung hindi lang ako busy sa pag-eencode ay babatukan ko na ang dreaming gurl na ito.

" baliw,  wag ka ngang maniwala sa mga tadhana tadhana na iyan,  kalokohan lang yan "

Sumbat ko naman sa kaniya

"che!  porke may Ron ka na,  kung nakapagsalita ka .."

Nagtatampo niyang saad.
Si Ron?
Siya lang naman ang pinakapogi kong boyfriend na kahit kailan ay hindi ako sinaktan.
Kung bakit?  kasi minsan sa isang buwan lang naman kami nagkikita at hindi ko alam kung kami pa ba.

Madalas kasi siyang naglalakbay sa iba't ibang sulok ng Pilipinas para makakuha ng feature para sa magazine ng kompanya namin.

" makakasama kaya si Ron ngayon?  "

Tanong bigla ni Gill sa akin na nakapagpatigil sa aking ginagawa.  Sa lahat kasi ng team building namin ay never pang nakasama si Ron.

"hindi na siya makakasama,  isang linggo pa siya sa Davao ngayon "

Sagot ko.

Natapos ang usapan namin ng marealize kong gabi na at kailangan na naming umuwi dahil magsasara na si kuya guard. Iuuwi ko na lang itong trabaho ko.

After three days,  natuloy naman kami sa sinasabi nilang team building ng kompanya.

Dumiretso kami sa isang resort, maganda naman ang ambiance ng lugar at relaxing ang view.

Napansin lang namin na may nakahandang catwalk o parang runway sa tabi ng isang pool, may fashion show ba rito mamaya?

"Gill,  bakit parang may event naman yata rito mamaya? "

Tanong ko kay Gill dahil siya lang naman ang pinakamabilis humagap dito ng balita.

"finale raw ng Models 2018, at dito gaganapin ang final catwalk ng mga contestants,  masuwerte nga tayo kasi marami pa ring rooms sa hotel tayong naabutan,  atleast makakapanood pa tayo ng live di ba? Oo nga pala,  kasama nga pala riyan si fafa Micheal Angelo hihihi"

Mahaba niyang paliwanag
Hindi ako fun ng mga modeling contest pero parang excited na akong makapanood ng ganito.

Matapos kaming makapag dinner at maligo,  dumiretso na kami sa area kung saan gaganapin iyong modeling contest para manood.

Magaganda at guwapo ang mga kalahok, magaganda rin iyong mga katawan nila.
Talagang bagay pang model.

Matapos ang lahat,  nagbigay muna ng ten minutes break ang announcer para sa tabulation ng scores.

Habang naghihintay sa result,  dumiretso muna ako sa loob ng hotel para umihi,  naparami kasi ako ng wine kanina.
Habang paakyat ako sa second floor kung nasaan ang kuwarto ko,  nadaanan ko ang isang kuwarto na may maiingay na boses. Wala sana akong paki-alam sa mga iyon kung hindi dahil sa isang boses na nakatawag pansin sa akin,  ang boses ni boss.

CoveredWhere stories live. Discover now