(Kristina)
Nagising ako dahil sa mga sigaw at bulyaw ni manager mula sa baba.
Gising na pala kanina pa ang buong team at maagang nagsimula, dedication is real.Bumangon ako at dumiretso sa shower room na nasa loob din ng kuwarto ko para maligo, baka wala na akong time maligo mamaya pag isasantabi ko na naman ang bagay na ito.
Hindi naman ako natagalan dahil mabilis lang talaga ako maligo. Nabahala lang ako dahil sa pinto, ayaw mabuksan at hindi ko alam kung bakit.
Nasira na yata.Naiwan ko pa man din phone ko sa ibabaw ng kama ko kaya hindi ako makatawag sa mga tao sa labas, kahit naman kalampagin ko ang pinto na ito ay wala ring makakarinig sa akin.
Naghintay muna ako ng ilang minuto, baka may magbalak na tawagin ako malamang ay malalaman nilang natrap ako sa CR na to.
Unti-unti na akong nakaramdam ng gutom, hindi pa nga pala ako nakakapag-breakfast.Dahil sa wala yata talagang nakakaalala sa akin, sinubukan kong sumigaw at kalampagin ang pinto para kung may dumaan sa labas ng kwarto ko ay baka sakaling marinig niya.
Nakaramdam na rin ako ng pagkahilo at panghihina, dumaan na kasi ang oras ay nandito pa rin ako sa loob.
Kapit lang Kristina, kaya mo to.Muli akong nabuhayan ng pag-asa ng may marinig akong mga yabag ng sapatos sa loob ng kwarto ko, sa tingin ko ay babae iyon dahil naririnig ko ang takong ng sapatos niya, makalipas ang ilang segudo bumukas na nga ang pinto ng shower room at doon nila ako natagpuang nakahandusay na sa floor at naghihingalo na sa gutom.
" Kris.. can you hear me? "
Dinig kong tanong sa akin ng isang pamilyar na boses.
Pinilit kong buksan ang mga mata ko upang makita ang taong nagligtas sa akin,
si Din, nandito siya!" yeah I can clearly hear you "
tugon koWalang ano-ano'y naramdaman ko na lang na binubuhat na ako palabas ng shower room at pinahiga ako sa kama.
Si Din ba ang bumuhat sa akin?
Lakas naman niya" Hoy! Kristina, ano ba kasing ginagawa mo doon huh? Di ba binilin ko sayo na kumain ka muna bago ka maligo para hindi ka gutumin! tignan mo, hinang-hina ka na dahil hindi ka pa nagbreakfast at inabot ka na ng tanghali bago kumain! "
Tahimik lang ako habang nakikinig sa sermon ng kaibigan ko sa akin.
Nakapikit lang at nakahiga sa kama.
Hindi pa nga pala ako nagdadamit at tanging bathrobe lang ang suot ko, habang nakapikit at hinang hina, unti-unti kong tinanggal ang tali ng bathrobe ko para sana magsuot ng underwear pero bigla na lang napasigaw si Din dahil sa ginagawa ko." what's your problem? nakakabingi yang tili mo! pwede bang tuma----------"
Nagilan ako sa panenermon na gagawin ko sana kay Din ng pagmulat ko sa aking mga mata, mukha ni Ron ang tumambad sa harapan ko.
Anong ginagawa niya rito?
Muntik na yon ah!
Muntik na niyang makita ang mga hindi niya dapat makita!" Ron? a-anong g-ginagawa m-mo r-rito? "
Patigil-tigil kong tanong sa lalaking kaharap ko.
Nakakagulat naman kasi ang bigla niyang pagsulpot.Bago pa man siya sumagot ay narinig ko na si Mike na nagsalita sa likuran ko.
Lagot nandito siya!" anong nangyayari dito? what are these guys doing here? and why are you wearing only that? that.. that.. untied bathrobe!?"
Pagalit na saad ni Mike habang papalapit sa akin.
Napa-tayo na lang ako bigla dahil sa takot na kung anong gawin niya sa akin.
Nang makalapit siya ay tumayo siya sa harap ko na naging dahilan para maharangan ako kay Ron.
