7-Drawing

11 1 0
                                    

(KRISTINA)

Pagkatapos ng pag-uusap nila,
muling bumalik si Mike sa kinaroroonan ko.
What the F did he just do?

" anong ginawa mo doon? "

Nag-aalburuto kong tanong.

"wala,  tara na"

Pangbabalewala niya sa usapan.
Wow ha!  grabehan!
Nakasimangot akong sumakay sa harapan na part ng kotse dahil sa patong-patong na inis.

" bakit ganiyan mukha mo?"
Nagtataka niyang tanong

"bakit?  lalaitin mo rin ako?  sasabihin mo rin na hindi ako maganda? "

" wala akong sinabing ganiyan"

" alam ko naman na yan na naman ang iniisip mo"

" wala nga akong sinabi, what I mean is bakit nakasimangot ka na naman"

" don't mind it,  i-start mo na tong kotse at umuwi na tayo"

" ayoko "

Napatingin ako sa kaniya sa sinabi niyang iyon.

" ano ba Mike"

" ayusin mo muna mood mo bago tayo umuwi,  ayokong makita ka ni mama na ganiyan"

Tumahimik na lang ako at kumalma.
Grrrrr....
Napakasama naman ng gabing ito.

" sabihin mo nga saakin.. kasalanan ko ba na ako ang naging girlfriend mo? "

Tanong ko sa kaniya.

" oo "

" huh!  wow!  baka nakakalimutan mo,  ikaw ang nagsimula ng lahat na ito,  kung hindi mo sana ako hinalikan noon edi hindi sana to mangyayari"

Triggered kong sabi habang nakatingin sa katabi ko.
Galit na talaga ako,   I really can't calm myself anymore.

" kung hindi ka sana maingay non hindi sana kita hinalikan"

Banat niya.

" eh binastos mo ako eh, anong gusto mong gawin ko? "

" shut up "

" at ako pa ngayon ang patatahimikin mo! "

" kung hindi ka titigil hahalikan ulit kita, sige ka "

Seryoso niyang banggit.

Natahimik ako dahil doon.
Mukhang effective ang ginawa niyang pagpapatahimik sa akin ah.
Maraming naging masamang dulot ang halik na iyon kaya ayaw ko na muli pang mangyari iyon ngayon.

Walang sabi-sabi ay bigla niyang pinaandar ang kotse at nagsimulang magdrive pauwi.
Walang nagsasalita sa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa bahay nila.
Gabi na pala,  hindi ko pa namamalayan.

Nauna siyang pumasok sa loob na hindi man lang ako hinihintay.

" ate Kristy!  pwede mo ba akong tulungan dito? "

Pakiusap ni Pauline habang ipinapakita ang drawing book niya sa akin.
Katatapos lang ng dinner namin at lahat ng kasamahan namin kasama si Mike ay busy sa pagpaplano sa labas para sa mga gagawin nila bukas sa photoshoot.

Ang theme kasi ng magazine na gagawin nila ay ang pagkilala sa naging buhay ni Mike noong hindi pa siya sikat kaya dito sa hometown nila ito ginawa.

" sige baby,  upo ka rito "

Aya ko kay Pauline habang tinitignan ang drawing book niya.
Actually,  wala talaga akong talent sa mga ganitong bagay kaya hindi ko alam ang gagawin.

CoveredWhere stories live. Discover now