12- Tita Nancy

3 0 0
                                        

( Kristina )

Kahapon lang noong bumalik sina Mike sa Manila,  pero feeling ko ay isang linggo na.
Hindi naman sa naiinip ako pero kasi kabadong kabado ako sa mga mangyayari pag nagkita kami ulit.

Mag-uusap pa ba kami o huwag na lang dahil maghihiwalay na rin naman kami.
Nakakalungkot na malapit na sana anniv namin pero hindi na matutuloy dahil sa scripted na break up.

Don't get me wrong,
hindi naman naging ganon kasama si Mike sa akin sa loob ng eleven months naming magkasama.
Well most of the time oo,  pero hindi ko naman maikakailang naging mabuti rin naman siya kahit papano lalong lalo na ang family niya.
Tanggap na tanggap nila ako at wala silang ibang ipinakitang masama sa akin.
They always say na ako na ang pinakamatagal na naging girl friend ni Mike pero nakakalungkot dahil hindi lahat ng nagtatagal ay nagiging forever.

Bumangon ako sa kama na mabigat ang pakiramdam,  kahit naman anong gawin ko ay wala na akong mababago. Hindi ko hawak ang kapalaran.

" good morning hija how's your night? "

Masiglang tanong sa akin ng mommy ni Mike habang nagzu-zumba mag-isa.
Nanonood kasi siya sa youtube tiyaka niya ginagaya, maparaan din si tita eh ang mahalaga ay libre.

" okay naman po "
tugon ko

" ohhh mabuti, hindi ka naman ba nalulungkot?"

muli niyang tanong

" huh?  hindi naman po tita,  masaya naman po rito sa bahay niyo "

" mabuti,  atleast wala naman palang problema "

Saad niya habang nagpupunas ng pawis. Tapos na siguro siyang magzumba.

Nagtaka ako dahil sa tono ng pananalita niya ay parang may kakaiba hindi ako komportable, hindi siya ganito usually makipag-usap.

" tita,  bakit po pala niyo na tanong? "

I asked.
But instead of answering she just smiled.

" wala,  natanong ko lang "

" eh bakit po tita kakaiba ngiti niyo kanina,  something fishy "

Pabiro kong sabi para naman hindi masyadong seryoso.

" huh?  ngumiti ba ako kanina? "
Pagkukunwari niya

" yes tita,  I saw you "

" no I didn't "

" iehh tita naman eh "

" namalik-mata ka lang "

" hindi,  I clearly saw it,  sige na tita alam kong may itinatago ka eh "

Pagpupumilit ko.
Kung hindi man kayo sanay sa paraan naming mag-usap,  ganito talaga kami,  close na kami eh.
Nakakalungkot nga lang kasi iiwan ko na rin pati siya soon.

" wait,  may tumatawag "

Pigil niya sa akin tiyaka pinatay yong tugtog ng sinasaaw niya at sinagot ang tawag.
Tumahimik na lang ako at habang hinihintay matapos ang tawag niya,  pumunta ako sa kusina para magtimpla ng kape.

Bumalik ulit ako sa sala pagkatapos non at nagbabakasakaling makakausap ko na ng matino si tita pero
hindi pa rin tapos ang pag-uusap nila ng katawag niya.
Tagal ah

" yes,  just be extra careful, remember hindi mo pa kilala ang taong iyan........ Uhuh?....oo naman walang problema......it's okay,  we are fine here..... well yeah,  I know but just relax and keep going"

Dinig kong sabi ni tita habang inip akong nagkakape sa sofang kaharap niya.

" ofcourse!  she's fine here..... stop that!  hindi niya iyan magugustuhan kapag narinig niya....do you want to talk to her?  she's here.... "

CoveredWhere stories live. Discover now