(Kristina)
Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto ni Mike, naabutan ko siyang bumababa sa kaniyang hospital bed.
Pinilit niyang humakbang pero dahil nga sa kaoopera pa lang ng paa niya ay hindi nito kinaya ang bigat ng kanyang katawan.
Natumba ito at gumawa ng ingay ang kaniyang paghansuday sa sahig.Dahil sa gulat at labis na pag-aalala, tumakbo ako papalapit sa kaniya upang tulungan siyang tumayo.
" huwag mo akong hawakan "
Sambit niya na may malamig na tono.
Hindi ko ito pinansin at hinawakan ko pa rin ang braso niya upang tulungan siyang tumayo." I said don't touch me! "
Nakakagulat niyang sigaw.
Natulala ako dahil doon at hindi agad nakapagsalita." I can do this alone "
Dagdag pa niya.
Takang-taka akong nakatingin sa kanya habang siya ay hindi naman makatingin sa akin.
Teka? may kasalanan ba ako? Bakit ganito niya ako tratuhin?" ano ba kasing balak mong gawin? "
Tanong ko
" basta, just leave "
" leave? no! may pinag-usapan tayo kanina na babantayan kita "
" I don't care! Umalis ka na! "
" I am sorry but I can't "
" HINDI MO BA NAIINTINDIHAN! HINDI KITA KAILANGAN!! "
With that word, natahimik ako.
Hindi na muli pang nagsalita.Sa totoo lang, nakakasakit na ah pero tinitiis ko lang.
Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng sakit.Tumayo ako at walang pasabi na naglakad papunta sa pintuan.
Bago ko tuluyang buksan ang pinto ng kuwarto na iyon ay muli pa akong sumulyap kay Mike pero wala talaga eh, mataas pride niya ni hindi manlang niya ako pinigilang umalis.Bago ko tuluyang lisanin ang ospital ay dumaan muna ako sa nurse station.
" Yes, ma'am? may I help you? "
Tanong ng isang babaeng nurse sa akin ng mapansing kanina pa ako nakatayo roon at hinihintay silang ientertain ako.
" kailangan ni patient sa room 302 ang tulong, kaoopera lang niya kaya nahihirapan siyang maglakad "
Sabi ko.
Agad namang chineck ng babae ang pangalan ng patient na nandoon at biglang napasigaw sa excitement. Sabi ko na nga ba eh, kaya hindi ko sinabi ang pangalan niya." bakit sis? "
Naiintrigang tanong ng kasama niyang nurse." kailangan daw ng tulong ni Micheal Angelo "
" wahhhh!!! ako na lang ang pupunta...I volunteer "
Sigaw ng isa.
Okay.
Hindi ko naman siguro naririnig ang mga sinasabi nila.
Bahala kayo diyan.
Wala na akong pake.Hindi ko na sila pinansin at naglakad na lamang ako paalis.
Saan na kaya ako pupunta ngayon?
masyado ng late kung pupunta pa ako sa opisina.Sumakay ako ng taxi at nagpasiyang umuwi na lang.
Habang komportable akong nakaupo sa harapang bahagi ng taxi ay biglang tumunog ang telepono ko.May tumatawag
From: Ron
Naghintay muna ako ng ilang segundo bago sagutin iyon.
Bakit kaya siya tumatawag?
