16-Gabi ng Lagim

2 0 0
                                        

( Kristina )

Nang matapos ang kainan namin kasama ang pamilya ni Ron,  nagpaalam na akong mauna ng umuwi dahil kunwari ay may gagawin pa ako kahit wala naman talaga.
Hindi lang talaga ako komportable na kasama sila knowing na pawang panloloko ang ginagawa ko.

Sumakay ako sa taxi at instead na sa bahay ako pumunta,  sa isang bar ako dumiretso.
Parang gusto kong magpakalasing muna ngayon.
Napakabigat ng puso ko.
Puno ng sakit at sama ng loob.

Umorder ako ng isang bote ng light drink sa waiter at agad naman niya itong ibinigay sa akin.
Tahimik lamang akong uminom habang nanonood sa mga nagsasayawan na magjowa.

Tsss..magbebreak din kayo!
Parang gusto yata nilang masampolan ehh..
Sweet lang yan sa umpisa pero magbabago kapag tumatagal na.

Hahahaahahaha
Dami kong sinasabi, parang tanga.

Habang tumatagal akong nakaupo dito ay naramdaman ko ang pagkalungkot.
Gusto ko ring magkaroon ng kasama.
Gusto ko rin ng kakwentuhan.
I want someone to talk with.

Mabuti na lang at nagkabright idea ako.
Tinawagan ko si Din,  lagi ko iyong maaasahan kapag mga ganitong bagay.

" ano! "
Bungad sa akin na tanong ni Din pagkasagot niya sa tawag ko.
Sungit naman.

" badtrip? "
-ako

" hindi,  bakit ka tumawag? "

" namimiss kita "

" che!  mukha mo "

" hindi nga,  Im not joking "

" puntahan mo boyfriend mo,  mas namiss mo yon "

" hindi,  wala  akong pakialan don,  namimiss na talaga kita "

" hoy!  Kristina,  parang kakaiba ka magsalita ngayon ahh,  lasing ka ba? "

" haha "

" ayy naku sinasabi ko na nga ba,  kapag nagkita talaga tayo malilintikan ka sa akin "

" pwes ngayon na,  magkita na tayo "

" hindi pwede,  nasa Cebu ako ngayon,  ako ang pinadala ni boss na magpresent ng plano dito "

Nakaramdam naman ako ng lungkot sa narinig ko.
Haysss wala naman pala akong maaasahan sa babaeng ito.

" sige bye,  pakasaya ka diyan"

Parang nagtatampo ko pang saad.

" anong pakasaya?  hoy nagtatrabaho ako dito,  kung sana hindi ka umabsent ng ilang araw sa trabaho edi magkasama tayo dito ngayon "

Oo na!
Kasalanan to ni Mike eh!
Kung hindi sana niya ako kinulong sa bahay nila edi nasa Cebu na rin sana ako ngayon.

Waaaahhhhh!!!!!!
Nakakainis,  wala akong kasama
Kausap
Kayakap

Haysssssssss!!

May sasabihin pa sana ako sa kaniya pero pinatayan na niya ako ng telepono.
Sama-sama talaga ng babaeng iyon.

Matapos kong inumin ang alak na inorder ko ay nagpasya na akong lumabas at umuwi.
Madilim na agad?  Tagal ko palang nagstay sa bar na ito.
Inabutan pa ako ng gabi.

Wew!  Light drink ang sabi pero bakit nahihilo ako.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. Ginising pa nga ako ng driver ng makarating na kami sa tapat ng bahay ko.
Lumabas ako sa taxi at didiretso na sana sa loob kaso pinigilan ako ng driver.

" sandali miss,  yong bayad mo"

Sabi niya.
Napaharap ako bigla sa kanya at nahihiyang napangiti.
Hindi ko na talaga alam ang ginagawa ko.

CoveredWhere stories live. Discover now