6-Hometown part2

4 1 0
                                        

(KRISTINA)

" Micheal!  you are here! "

Masayang salubong ng mother ni Mike sa aming grupo. Si tita Nancy (hindi momoland ah dahil hindi sya marunong sumayaw)

" and oh!  mabuti na lang at tinupad ni Micheal ang hiling namin na isama ka rito Kristina,  my ever beautiful future daughter-in-law "

Dagdag pa niya ng makita ako.
Kaya pala, 
imposible naman kasi na dalhin ako rito ni Mike na wala lang.

Mabuti na lang at malawak at very welcoming ang bahay nila Mike kaya para makatipid,  dito na kami nagstay at nakikain.
Masarap naman magluto nanay niya eh,  swear!  siya ang isa sa may pinakamasarap na luto na aking natikman.

" Angel!  Pauline!  your brother is here!  "

Tawag muli ni tita Nancy sa mga nakababatang kapatid ni Mike.
Bumababa ang mga ito mula sa second floor na puno ng galak ng makita ang kanilang kapatid maliban na lang noong makita na ako ni Angel.
Ewan ko ba kung bakit hate na hate ako ng batang iyon. Wala naman akong ginagawa sa kaniya. Mabuti pa si Pauline,  mabait sa akin.
Mas bata si Pauline kaysa kay Angel,  8 years old si Angel samantalang 6 naman ni Pauline.

" how are my little beautiful sisters? "

Nakangiting tanong ni Mike sa mga kapatid niya habang niyayakap siya ng mga ito.
Siguro matagal ng malakas ang appeal ng lalaking ito sa mga babae?  pati sa mga kapatid niya bentang benta siya eh.

" kuya!  nagi-school na ako! at marami akong mga new friends"

Sabi ni Pauline.

" I have also met some new friends and most of them were your fans kuya! "

Dagdag ni Angel.

Wala na kaming ibang nagawa ng iba naming kasama kundi ang makinig sa mga kuwento ng dalawang bata, hindi ko tuloy naiwasang napangiti.
Wala kasi akong kapatid, how I wish nagkaroon ako.

" ate!  Kristy,  how about you?  do you also have new classmates and friends? "

Ramdom na biglang tanong ni Pauline.

" ah?  haha no baby,  I have done already my studies "

Sagot ko na medyo natatawa pa.

" ahhh so nagtatrabaho ka na?  like kuya?  "-Pauline

"yes"-ako

" do both of you have the same work? " -Pauline

" no, we don't,  magkaiba kami ng work and our work places are separated "

Pagpapaliwanag ko

"ow..  so sad naman,  hindi kayo magkasama,  so do you often miss my kuya Micheal? "

Natahimik bigla ang paligid sa tanong niya.
Ano ba Mike!  Bakit ba napakatalino ng kapatid mo,  parang matanda kung mag-isip.

"hahaha baby naman.. "

Natatawa kong saway sa kaniya pero mapilit ang ate mo.
Pinipilit talaga na sagutin ko yon eh.

" sabi kasi ni mommy, pag matagal mong hindi nakita ang isang tao,  you'll gonna miss him,  so do you miss my brother often? "

Okay?
What to say?
Hot seat!

" oo naman,  namimiss ko siya "

Sabi ko na lang para matigil na ang usapan pero nagulat ako ng lalo lang gumulo at umingay ang lahat.
Para silang mga wild na nagtilian at parang baliw na nang-asar.

CoveredWhere stories live. Discover now