27 💚 Outside World

4.5K 187 5
                                    

Nauna ng lumabas si Nathan ng room dahil may kailangan pa daw siyang kausapin. He'll wait for me at the parking nalang.

Kami naman ngayon ay naglalakad na sa hallway. Marami ang estudyante sa paligid dahil ala una y medya palang ng hapon. Sadyang maaga lang ang uwian namin ngayon, kaya nga nag aya itong si Nathan na umalis eh.

"Bakla sorry na talaga, hindi kita nasamahan yesterday sa mall." Belle said habang naka angkla pa sa braso ko.

"Oo nga okay lang. Nathan come with me naman eh." Sagot ko kay Belle.

"Jem, ano ng balita? When will you dump him?" Basty asked.

Is this the right time to tell Basty that my plan is off? Siya nalang kasi ang hindi nakakaalam. Hindi man kasi sabihin ni Rence, alam kong alam na niya na wala na akong balak ituloy kung ano man ang nauna kong plano.

I know, I may be marupok. But after hearing everything, suddenly I changed my mind.

I realized that lahat pala ng galit ko this past few years, ay wala naman palang basehan.

Arghhh. But I know Basty will be mad. For real.

"I don't want to talk about that right now. By the way, next next week na ang laban niyo diba?" Pag iiba ko ng usapan.

His face enlightened realquick, basta basketball ang usapan.

"Yes! Manonood ka?" Nagpapaawa niyang tanong sa akin.

"Naman, pwede bang mawala ako dun? Manunuod kami diba?" Sabay baling ko kay Rence at Belle.

Tumango naman sila at masayang masaya naman si Basty sa narinig. Nag exhibition pa ito at kunwari'y nag shoot ng bola sa hangin.

"Sa kalabang university ang venue diba?" Paniniguro naman ni Rence.

"Oo at mainit ang laban, finals na eh."

"Good luck Basty!!!" Sabay go-fight-aja sign ko sa kanya.

Tumango naman ito.

Mainit nga ang laban. Palaging nagkikita ang university namin at ang kalaban namin sa finals. Pero madalas namang kami ang champion. At hindi pwedeng mawala si Jem Torres dun.

Hindi dahil sa gusto ko lang bumalandra dun, kundi I wanted to support Basty no. At ako nalang din ang representative ng uncle ko na presidente ng university namin.

"By the way guys, una na ako sa gymnasium. Practice na kami." Paalam sa amin ni Basty.

"Take care Basty!" Kakaway kaway ko pang paalam sa kanya.

"Oy, ikaw ang mag ingat. Lalo na sa ulupong na yun." Nakasimalmal nanaman ang mukha ni Basty.

"Oo na!" Natawa nalang ako sa itsura niya.

"Oh pano, ako din mauuna na ako. Nathan is waiting for me." Paalam ko sa kanila at nagtatakbo na papuntang parking lot.

"Mag iingat kayo!" Belle waved.

Lumingon ulit ako at kumaway sa kanila.

I just wore white balenciaga shirt and skinny maong pants with Adidas Yeezy Boost 350 V2 zebra. Nakasukbit din sa likod ko ang Black Gucci Soho Backpack.

I waved at him when I saw him standing in front of his car. Katabi niya si Wesley na nakatindig ng tayo at naka shades din. Etong mag amo na to, lakas minsan ng toyo eh.

Kumaway din siya sa akin at tinanggal ang shades.

"Hey Wesley. Whats up?" Bati ko dito at nakipag highfive pa ako.

Your Love (transgenderXstraight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon