AN - I just want to say hello and again, thank you sa lahat ng sumusuporta at walang sawang nagbabasa ng Your Love. Mas lalo po akong na inspire na mag sulat dahil sa inyong lahat.
Malapit na ang mga twist. So let's enjoy every moment na sweet pa si Nathan at Jem. Pero iniisip ko palang na isusulat ko na yun, sumasakit na ang dibdib ko.
I love you all!
♡
"Let's eat?!" He said. Hindi ko alam kung sa tono ba niya ay nagtatanong siya, o inuutusan niya ako.
Palabas na kami ng international school kung saan siya nag aral noon. Nilibot pa niya ako sa lahat ng parte at sa mga memorable spots sa kanya.
"May alam ako, for sure magugustuhan mo dun." He said sabay hila nanaman sa akin.
Etong lalaking to, hilig na hilig na hilahin ako. Kaladkarin na kaya niya ako. Nakahawak pa siya sa braso ko na parang bata na anytime ay mawawala. Pero sabagay, hindi pwedeng mawala ako dahil hindi ko alam kung saang lugar to.
Huminto kami sa harap ng isang carinderia. Looking at the place, malinis naman at maayos ang kainan. Mukha ring marami ang kumakain dito kahit hindi kalakihan ang pwesto. Pumasok na kami at nagpunta sa pilian ng pagkain.
"Nanay Lydia." Tawag ni Nathan sa matandang babaeng nakatalikod.
"Ay eh, sino ba itong batang to? Nathan, ikaw na ba yan?" Sabi ng matandang babae ng humarap ito sa amin.
"Oho." Magalang na sagot ni Nathan.
"Ay nakong bata ka. Mabuti naman at napasyal ka!" Masayang sabi ng matanda na tinawag ni Nathan na Nanay Lydia.
"Marami lang ho kasi akong inasikaso. Tsaka alam niyo naman ho diba ang napag usapan natin ng huli tayong magkita?" Nathan said at kumindat kay Nanay Celia at tumingin sa akin.
Nalipat na rin tuloy ang tingin sa akin ng matanda.
"Oo natatandaan ko yun. Matanda lang ako pero hindi ako makakalimutin. Edi siya pala ang nobya mo?" Sinuri ako ng matanda ng tingin mula ulo hanggang paa. Napangiti lang ako sa kanya.
"Oho." Napaka galang ni Nathan ah. Sarap batukan.
"Ay kay gandang bata naman pala nere. Hindi mo aakalaing bakla, akala ko'y tunay na babae eh." Sabay hagalpak niya ng tawa. Medyo matabil ang dila ni grand mother ahh, pero okay na yan, sinabihan naman niya akong maganda.
"Magandang hapon po." Magalang kong bati dito.
"Ay eh nako, tara na mamili na kayo ng kakainin niyo at dito na kayo kumain sa loob ng bahay."
Si Nathan ang namili ng uulamin namin dahil sabi niya, ipapatikim niya sa akin ang lahat ng masasarap.
Pinapasok naman kami ng matanda sa pinto sa gilid. Iniwan niya muna ang kainan niya sa katiwala niya.
"Pag pasensyahan niyo na ang bahay ko ah, may kaliitan lang ito."
Nilibot ko ang tingin sa paligid, hindi nga siya kasing laki ng mansion namin, pero sobrang aliwalas naman at maayos din ang kagamitan. Halatang malinis sa bahay ang matanda.
"Ang ganda nga ho ng bahay niyo eh." Sabi ko naman sa matanda.
"Salamat naman. Oh siya tara na dito sa lamesa at ng makakain kayo. Mukhang mga pagod kayo."
Umupo kami sa lamesa at naupo rin ang matanda sa harap namin.
"Tikman mo lahat ng iyan ija, yan ang mga paborito ni Nathan."
We started to eat habang nag kukwentuhan kami. Maraming kwento ang matanda sa amin.
"Etong batang ito, itinuring ko yan na isa sa mga apo ko. Napaka galang na bata." Sabi ng matanda.
BINABASA MO ANG
Your Love (transgenderXstraight)
RomanceIs he still the same guy I used to know? The same guy I met years ago? The same guy I fell in love? The same guy I'm still in love with. This is a story of a transgender and a straight guy. About wrong decisions and mistakes in life, regrets, second...