77 💚 Under The Rain

4.3K 170 11
                                    

Sampung minuto bago mag alas siete ng gabi ay nasa lobby na ako.

Hindi ko alam kung saan ang client meeting namin. Walang detalye kasing binigay si Trisha, and I forgot to ask Nathan about it.

Hindi na ako nagpalit ng damit. I wore a nude Givenchy dress, paired it with nude Loubotins. You can never go wrong with nude, and that's freaking true.

Right on time, dumating si Nathan sa lobby. He's dashing on his white longsleeves and black coat.

"Saan pala ang meeting natin?" I asked him.

"We'll be late. Let's go." Yun lamang ang sagot niya sa akin.

Sabay kaming lumabas ng hotel at nag aantay naman ang kanyang sasakyan sa labas.

I saw Wesley at sumakay na rin siya sa itim na Sedan na nasa harapan ng kay Nathan. Sa likod naman ng sasakyan ni Nathan ay nandun din ang aking sasakyan, with Bruno and Dan.

Inalalayan ako ni Nathan hanggang sa makapasok ako sa shotgun seat.

Umikot siya at agad rin sumakay ng sasakyan, kay Red Ranger.

"I was still amazed seeing Red Ranger. It's good as new."

"This is my favorite car, so he deserves to be maintained properly."

"Sa dami ng mahal mong sasakyan, eto pa talaga ang paborito mo."

"Well, paborito ko na rin ngayon yung Ferrari F8 ko."

"By the way... I'm sorry about that. Nagkaroon pa tuloy ng bangga yun. I'll pay everything na magagastos mo to repair that."

"Nope. I have no plans na ipagawa yun. That's special to me."

"Ha?"

"Lahat ng ginasgasan mong sasakyan, special na sakin." Then he laughed so hard.

Sabagay, oo nga pala. Even this Range Rover, hindi na niya pinagawa pa yung gasgas na ako ang may kagagawan.

I spank his shoulder sabay nguso sa kanya.

"San ba kasi ang meeting?" I asked him.

"Sa restaurant namin." Tipid naman niyang sagot.

"Ohh you mean pupunta ulit tayo dun sa lumang mansion ninyo?" Excited kong sabi sa kanya.

He just nodded.

More than one hour ang aming byahe from A&T to our destination.

Kaya't sa buong byahe ay inaasar niya lang ako. At naaasar naman ako. Pikon kasi ako, at lahat naman ata ng kakilala ko ay alam iyon.

Pumasok na ang convoy namin sa parking ng kanilang restaurant.

Ang dami namang tao ngayon. Sabagay, it's dinner time, malamang ay puno ngayon.

Agad siyang bumaba at umikot upang alalayan ako pagbaba ng sasakyan.

He hold my hand. Nagpaubaya naman ako dahil wala naman ibang nakakakilala sa akin dito.

Your Love (transgenderXstraight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon