32 💚 His Friends

4.7K 193 7
                                    

I woke up in a place that I am not familiar.

What happened?

Nasaan ako?

Nakabalot sa akin ang puting comforter.

Pag silip ko sa loob ay tanging ang pulang panty ang suot ko.

Nanlaki ang mga ko. Anong nangyari?

Bakit ito lamang ang suot ko?

Oh.. my.. gosh!!!

"Bakla, wag kang OA. Wala kang amnesia at hindi ka rin lasing. Nag chukchakchenez kayo ni Nathan kanina. Vaklang toe!" Singit naman ng munting tinig sa aking isipan.

Ay pasensya naman.

Baka lang kase makalusot eh. Baka lang pwede i skip na natin ang mga nangyari a while ago.

Napatingin ako sa orasan. It's 10 o'clock in the evening.

Hindi na pala ako nakapag dinner.

But where is Nathan? Bakit wala siya sa tabi ko.

Bumangon ako at nag ayos ng sarili. Nag suot rin ako ng damit. Kumuha nalang ako ng malaking tshirt niya sa cabinet at nag itim na pang lalaki na shorts, pero maikli. Itinali ko na lang rin ang aking buhok at itinaas ito na tila isang donut.

Paglabas ko ng kwarto ay wala akong marinig na ingay at kaunting ilaw nalang ang nakabukas.

Inikot ko ang tingin ko pagkababa ko. Bakit walang tao? Where are they?

Pumunta ako ng kusina.

Dun ko naabutan si Nanay Tess na nakaupo habang naglilista.

"Hija, gising ka na pala. Sabi ni Nathan ay naidlip ka at baka bukas ka na gumising. Napagod ka raw eh..." Otomatikong napaangat ang tingin ko sa matanda. Nakaramdam ako bigla ng hiya. Oh my gosh! I can feel the heat on my cheeks.

"Napagod ka raw sa biyahe niyo. Balita ko ay namasaheros lang kasi kayo." Dugtong niya sa kanyang unang sinabi.

Sunod sunod na tango naman ang tugon ko. "Ahhh. Hehe opo. Malayo po kasi ang pinang galingan namin."

"Osiya sandali lamang at ihahanda ko ang makakain mo. Iinitin ko lang sandali." Nagmadaling tumayo ang matanda at nagpunta ng ref.

"Huwag na po kayong mag abala, busog pa naman po ako." Nag aalala kong sagot sa kanya. Nakakahiya na makaistorbo kasi ako.

"Ay nakong bata ka, hindi pupwede. Ibinilin ni Nathan na kumain ka kapag nagising ka." Lingon niya sakin pero bumaling ulit sa loob ng ref at kinuha ang lalagyan ng ulam.

Lumapit ako sa kanya.

"Tutulong na po ako." I said.

"Osiya ikaw ang bahala." Tumango siya sa akin at ngumiti.

Iniayos niya ito sa plato at ang sabi niya ay ilagay ko sa microwave upang uminit muli.

Kinuha ko naman ito.

Pero teka, paano ba ito gamitin?

May numbers na tila keypad sa mga lumang telepono, may start, may stop button. May defrost pa na nakalagay. Hala paano na ito?

Nakatitig lang ako dito?

Akala ko ay kapag naipasok na ang dapat initin ay otomatiko na itong magbubukas.

Narinig kong natawa si Nanay Tess at tumabi sa akin.

"Mga batang to. Para kang si Nathan noong unang dating dito. Hindi rin alam gumamit ng mga bagay sa kusina."

Your Love (transgenderXstraight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon