Awkward silence...
Hindi ko rin kase alam at ayokong simulan ang conversation. Gusto ko lang manahimik at mag isip.
Mag isip kung ano ang kakainin ko.
Aba gutom na rin ako no.
Ang tagal ng byahe namin at wala rin naman akong ideya kung saan kami pupunta. Wala kaming kasamang driver or bodyguard.
Huminto naman ang sasakyan niya sa tapat ng isang pamilyar na lugar sa akin.
It was Aldama's ancestral house.
Nadala na rin niya ako dito noon. Pero bakit dito?
Nagtataka akong napatingin kay Nathan.
"Ahh, it was converted into restaurant 2 years ago."
Ohh that explains why.
Sabagay, malaki rin ang lumang bahay na ito at maganda.
Bumaba na kami ng sasakyan at agad na sinalubong ng dalawang waiter.
Walang pinagbago ang lugar na ito. Mula sa floors hanggang sa kisame ay parehong pareho mula noong napunta ako dito. Ang tanging nagbago lang ay nawala ang mga ibang gamit at napalitan ng mga lamesa at upuan.
I remember something. Noong una kaming nagpunta dito.
FLASHBACK
It's a reunion ng batch ng parents namin ng elementary. Pinapunta rin kaming mga anak nila dahil nga hindi kami magkakakilala, naging best example pa kami ni Nathan na magclassmate na pala, pero hindi namin alam na magkakilala ang parents namin.
Nauna na ang parents ko dun dahil sila nila Tita Mira ang pasimuno ng party, kami nalang daw ni Nathan ang mag sabay na magpunta.
Pag dating namin ay marami ang tao. Nakita naman kami ng parents namin kaya tinawag kami at pinakilala sa mga tao na kausap nila. Pero syempre ngumiti ngiti lang naman kami. Puro papuri lang naman ang narinig ko sa kanila. Kesyo ang gwapo daw ni Nate, ako naman daw ay maganda, hindi daw halatang bakla ako. Wag na nilang ipaalala na maganda ako, alam ko na yun eh. Chareng.
May mga pinakilala din sa amin na mga anak ng mga kaklase nila noon. Hindi ko na matandaan ang mga names nila sa dami pero isa lang ang tumatak sa akin, her name is Abigail. Iba kase siya tumingin, kaya hindi rin naman ako nagpatalo sa pag tingin sa kanya. Iniirap irapan ako kaya inirapan ko din siya. Basta unang tingin ko pa lang sa kanya ay hindi ko na siya gusto.
Pero sa totoo lang gutom na gutom na talaga ako kaya kinalabit ko na si Nathan.
"Uy, kain na tayo." Sabay nguso ko dun sa buffet na nakahain.
"Eh wag tayo diyan. Tara." Sabay hila niya sakin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nagpaubaya nalang ako.
It was too late when I realize that he was holding my hands. Pero hindi ko na nagawang bawiin pa yun.
Tumambad naman sa akin ang garden nila na punong puno ng ilaw. As in kumukutitap sa ganda ang paligid.
Dahan dahan kaming lumapit sa gazebo na halos nasa gitna ng garden.
May mga pakandila effect pa talaga. Natawa naman ako kase andami na ngang ilaw sa paligid, eh may kandila pa talaga.
Inalalayan niya akong umupo at umupo narin siya sa harap ko.
May lumapit naman sa amin na waiter dala ang mga pagkain namin.
"Ahh ehh bakit dito tayo? Pwede naman tayo sa loob nalang kumain eh." Mahina kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Your Love (transgenderXstraight)
RomansIs he still the same guy I used to know? The same guy I met years ago? The same guy I fell in love? The same guy I'm still in love with. This is a story of a transgender and a straight guy. About wrong decisions and mistakes in life, regrets, second...