48 💚 Legalized

3.2K 153 5
                                    

"Jem, they are all waiting for you! Wake up!!!" I heard familiar voice.

Yeah right, that's my Mom.

I closed my eyes again at nagtalukbong.

Walang tigil din ang pag tunog ng aking cellphone kanina pa, kaya pinatay ko na lang ito.

Bakit ba lahat ng tao ay parang natataranta?

"Teh, teh, birthday mo ngayon." My inner self murmured.

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga.

Damn it!

Napatingin ako sa orasan.

Pasado ala una na ng hapon.

Nagtatakbo ako palabas ng kwarto at tumambad sa akin si Mom kasama si Manang Celia.

"The glam team is here. They're waiting downstairs. Hurry up!" May pagbabanta sa kanyang pagsasalita.

"Yes Mom! Good morning." Then I kissed on her right cheek and gave her the biggest smile I could ever give.

Pero napukaw ng atensyon ko ang mga kaganapan sa ibaba na tanaw mula sa interior balcony ng mansion.

I was shocked.

Ang daming tao na busy sa kanilang ginagawa.

Catering services are here at pinapasok ang pagkain, the glam team is waiting on the living area, together with the photographers and videographers. At ang mga kasambahay din namin ay abala sa pag asiste sa kanila.

"Happy Birthday, my babygirl." My Mom said. Agad akong napatingin sa kanya. Napangiti nalang kami sa isa't isa.

I hugged her tightly and immediately go inside and take a bath.

Tinanghali ako ng gising. Paano ba naman ay alas tres na ay gising pa rin ako.

Ewan ko ba, hindi ako makatulog eh.

Naiyak pa ako dahil sa makabagbag damdaming text message sa akin ni Nathan na pumasok saktong alas dose ng madaling araw.

From: Nathan

Happy birthday.

Damn!!!

So romantic right?!

Yan na ata ang pinaka mahabang text message niya sa akin in the history. Pinagpasalamat ko na rin na hindi HBD lang ang tinype niya.

Ewan ko ba dun, napaka tamad mag type ng text.

Alas tres ang unang schedule ng pictorial. I still have 2 hours before that. Kaya naisipan ko pang magbabad sa bath tub saglit habang nagbabasa ng mga messages ng aking mga kaibigan.

But, Nathan wasn't calling me. Anong nangyari sa lalaking yun?

Pag bukas ko ng pinto ay saktong nandun si Trisha.

"Yes?" I asked her.

"Happy birthday Ma'am Jem!" She said sabay may iniabot siya sa akin.

Binuksan ko ang kahon at inilabas ang cute na puting bear na key chain.

"Nag abala ka pa. Salamat Trisha." I smiled at her.

"Wala po yun. Sige po bababa na ako." Paalam niya sa akin.

Pumasok ako saglit at itinago iyon sa aking bedside drawer.

Trisha was the one who's assigned to take good care of me. Kaya't madalas ay siya ang napag bubuntunan ko ng galit. Pero sa kanya rin ako pinaka malapit bukod kay Nanay Celia na wala pa ako sa mundo ay naninilbihan na sa magulang ko.

Your Love (transgenderXstraight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon