16.1 | Battlefield

1.8K 17 1
                                    

*JULIE'S POV*





Matagal na rin simulang naayos na lahat ng gulo.





Halos mag - iisang buwan na rin kami ni Moe.





Kalat na rin naman sa campus na magboyfriend at maggirlfriend na kami eh. Hindi naman kami masyadong PDA lalo na sa school. We still know our limits. Minsan nagpupunta kami sa mall, hangout lang or biglaang movie dates or madalas food trip tapos shopping after. Minsan kasama rin namin sila Clara at Arkin mag - ice skating sa MOA or nakikijamming kami sa banda nila Moe kasi malapit na rin yung Battle of the Bands na sinalihan nila.





Legal naman na both sides. Except lang sa fathers namin. Hindi ko pa kasi namimeet yung daddy ni Moe and same goes to him too. 





Okay na rin yung mga barkada namin. Minsan nagba-bonding kaming lahat ng sabay - sabay. Sobrang gaan lang sa pakiramdam na tanggap ka ng barkada ng boyfriend mo at mas tanggap na ng barkada mo yung boyfriend mo. Oh di ba, para everybody happy.





Okay naman sa alright yung mga bagay sa paligid namin ni Moe. Pero, if there's one thing na hindi okay, edi kami iyon.





Every single day lalong humihirap yung mga challenges na pinagdadaanan namin. Kung dati rati, hindi kami magkasundo sa mga bagay - bagay, ngayon sobrang dali na lang kasi magkaibigan na nga kami. May tiwala na kami sa isa't isa sa mga bagay - bagay tungkol sa buhay.





Mas madali na rin maging sweet sa isa't isa pero matindi ang labanan, labanan ng pagtanggi kung kinilig ka ba talaga. HAHAHA.





Mas madali na ring gumawa ng effort kasi nakilala na namin ang isa't isa. Sa araw - araw niyo bang pagkakasama, hindi mo pa ba mapapansin mga bagay, maliit man o malaki iyan. Tsaka sobrang effort ni Moe sa akin. Pero syempre, hindi ako magpapatalo. Double effort ang ginagawa ko para sa kanya. Infairness nga eh, walang bumibigay o sumusuko sa pinasukan namin deal eh.





It's a Deal! (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon