26 | Forever and Always

1.6K 21 2
                                    

*ELMO'S POV*

Halos buong araw kaming magkasama ni Abby. 

Nakarating pa kami sa Trinoma para lang mag Timezone. 

Tsaka kumain kami ng Pepper Lunch for our lunch.

Nagstrolling kami sa buong mall buong hapon. Nakapagshopping din naman si Clara at Arkin eh. 

Si Arkin, hindi na bumitaw sa akin the whole time eh. 

Medyo masaya naman itong araw na ito.

Medyo lang kasi hindi pa rin kami nagkakausap ni Julie.

Pero bukas, promise, kakausapin ko na talaga yung baby girl ko.

Kahit gusto ko ngayon na, pauwi pa lang kasi kami eh. Kaya bukas na lang.

Gabi na rin kasi at traffic kaya baka hindi na ako makaabot sa kanila.

Sabi ko kay Abby na sa bahay na lang siya matulog since nakabili rin naman siya ng mga clothes at gabi na rin, delikado na para sa kanya na magdrive mag - isa. 

Nung nakarating na kami sa bahay, pinatawag ko yung mga maids para alalayan sila Clara at Arkin. Kanina pa kasi sila tulog sa kotse dahil na rin sa sobrang pagod.

"Sure ka El na okay lang talaga?" sabi ni Abby.

It's a Deal! (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon