48 | It hurts so bad

1K 28 6
                                    

*JULIE'S POV*

Akala ba nila totoo ang lahat?

At akala nila hindi ako marunong umarte.

"Aalis na ako, guys." Sabi ko sa barkada na nasa may beach.

Napatingin tuloy silang lahat sa akin.

"Ha? Di ba sasabay ka sa amin pauwi? Bukas pa tayo uuwi." sabi ni Kristoffer.

Umiling ako. "Change of plans eh. Mauuna na lang ako umuwi."

"Bakit naman?" tanong ni Andre.

"Tumawag kasi yung Tita ko. They're asking me if I can still go with them in US. Napag - usapan naman na kasi dati yon and nakapagbook na rin kasi sila ng flight kahapon."

"When's the flight?" Tanong naman ni Yassi.

"Hm, 3 days after pa."

"Eh bakit mauuna ka na?" tanong ulit ni Bea.

"I need to fix something sa bahay."

"Eh last vacation na natin ito bago magsimula ang term, Jules." sabi ni Maq.

"Sorry bes."

Nakikita kong nalulungkot sila sa nangyayari.

Sunod - sunod na rin kasi ang ginawa kong revelations sa kanila. Yung katotohanan sa relationship namin ni Moe, yung tungkol sa deal at yung sa nararamdaman ko.

Hindi nga ako makapaniwala na naniwala sila sa akin eh.

Am I a good liar too?

Pati ata si Moe napaniwala ko eh.

Tapos ngayon, aalisan ko pa sila kaagad.

Nagi-guilty man ako pero hindi ko na lang iyon pinakita sa kanila.

It's a Deal! (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon