8.2 | A little more of Elmo

1.8K 12 0
                                    

*Julie's POV*



Hang out lang kasama mga kafootball team ni Moe. 



Actually kasundo ko naman talaga mga kabarkada niya eh.



Mababait sila. Akala mo lang na ubod ng yabang at sobrang mahangin pero kapag nakilala mo sila, sobrang down to earth nila at sobrang bait nila.



Si Moe lang naman ang hindi ko nakakasundo sa barkada nila eh.



Pero ang galing pala namin umarte ni Moe kanina no? Imagine mo, naniwala sila sa kwento namin.



Ang dami ngang tanong sa akin ng mga kalaro ni Moe eh.



Si Moe naman sobrang inaasikaso niya ako. Minsan lumalabas siya para tignan sila Arkin at Clara.



Hinahayaan lang niya ako sumama at makipagkwentuhan sa mga kabarkada niya. Grabe nga eh, ang dami nilang kwento tungkol kay Moe.



Wala naman akong ginawa kung hindi tumawa ng tumawa.



"Okay guys, tama na yan! Pinapahiya niyo na ako kay Julie."



"HAHAHA Ano ka ba naman Moses. Hindi na namin kailangan gawin iyun kasi ikaw na mismo ang gagawa non." sabi ni Enzo.



Sinuntok naman ni Moe si Enzo sa braso.



"Joke lang naman pre. Huwag masyadong pisikal." sabi ni Enzo.



"Pero ang saya pala kasama ni Julie no? Bakit kasi ngayon mo lang siya dinala dito Mosey? Kung dati mo pa sana sinabi na nililigawan mo siya eh di natulungan ka namin sa kanya. Di ba?" sabi ni Sef.



Nagkatinginan naman kami ni Moe. "I'm sorry guys. Idea ko kasi na huwag sabihin sa inyo eh. Tsaka nakakahiya po." sabi ko.



"Anong nakakahiya doon?" Tanong ni Steven.



"Kinakahiya ko si Moe, eh." sabi ko.



Nagtawanan naman silang lahat.


It's a Deal! (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon