10 | Sundays with Julie

1.8K 19 0
                                    

*JULIE'S POV*




Sinama nila ako papuntang mall.




Yun daw kasi ang palagi nilang ginagawa tuwing Sunday kahit complete or incomplete silang lahat.





Nahiya naman ako kasi ibig sabihin non ay family affair nila ito. 




Pagdating namin sa BGC, nagtanong ako kaagad kay Tita Pia.




"Tita, are you sure po na okay lang ako sumama? Baka po kasi nakakaabala ako sa family bonding niyo po."




"Ano ka ba naman Julie Anne. Okay lang yun kasi alam ko naman mahal ka ni Moe. Welcome ka sa family namin."




Buti naman. Pero ang tanong, okay nga ba kami ni Moe?




Ayon, habang naglalakad kami halos nakadikit lang ako kay Moe. Si Clara naman tingin ng tingin sa amin dalawa. Gusto kong mainis kay Moe kasi bigla na lang niya akong sinasama sa mga ganito.



Pagpasok namin sa BGC, naghanap agad sila ng restaurant na kakainan namin.




After ng ilang paglilibot, nakapili na rin kami sa wakas! Sa Nolita kami kakain ngayon. 



Hinila ako kaagad ni Clara at Arkin papasok ng resto.



"HEY!!!! San niyo dadalhin yung girlfriend ko?" Patawang sabi ni Moe.




"Teka lang, Clars and Ark." sabi ko.




Tinawanan lang kami ni Tita Pia at Moe. Nakasunod pala sikla sa akin eh.




Pagkaupo namin ng dalawa, bigla akong tinabihan ni Moe. Bale nasa gitna ako ni Clara at Moe.

It's a Deal! (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon