5 | Is Trusting You Will Be Enough?

1.8K 15 0
                                    

*JULIE'S POV*

Hindi ko ineexpect na sila yung makakasama namin sa dinner. 

Apat na tao kasama ni Mom ngayon for our dinner. Mag - asawa, isang babaeng kaedad ko yata at isang lalaking kababata ko. Lahat ng kasama ni Mommy kilala ko.

Ang mga Cruz.

Pamilya ng kababata kong si Zac.

Sino siya?

Siya lang naman yung taong halos hindi kami mapaghiwalay silang bata pa kami pero nang-iwan din sa huli.

\\FLASHBACK\\

Noong limang taong gulang pa lang ako,

"Jules, princess? Nasaan ka? Mayroon tayong mga bisita" sabi ni Mom.

Siyempre dahil bata pa ako, nagtago muna ako. Kunwari do not talk to strangers.

"Jules, baby?" lumapit si Mommy sa akin. Kasama niya ang isang batang lalaki siguro mas matanda sa akin ng dalawang taon. "Baby, si Zac, bago mong kalaro."

Nagtago ako sa likod ni Mommy dahil nahiya ako sa bago kong kalaro.

"Hi Julie. I'm Zac. Do you want me to join you?"

Tinignan ko siya. Syempre kahit papaano gusto ko rin naman magkaroon ng kalaro. Sila kuya kasi masyado akong inaaway.

Shinare ko yung mga laruan ko sa kanya kaya nakapaglaro na kami non.

NOONG PITONG TAONG GULANG,

"Uy! Ayun yung batang lampa oh!" sabi nung mga batang naglalaro  sa playground.

Gusto ko sanang makipaglaro sa kanila kaso mukhang nakakatakot sila. Ayaw nila akong isali sa mga laro nila. Inaasar pa nila akong lampa at payatot. Kaya tumakbo ako ng palayo ngunit hindi ko napansin ang aking dinadaanan kaya't nadapa ako.

Iyak na lang ako ng iyak dahil may mga sugat na ako sa braso at tuhod. 

Kaya ito siguro ang dahilan kung bakit hindi ako pinapalabas nila Mommy at Daddy ng bahay para maglaro sa playground dito sa aming subdivision.

"AWWWWWWWWWWW WAWA NAMAN YUNG BATA!!! LAMPAYATOT NA NGA, IYAKIN PA!! WAHAHAHAHAHA" sabi nanaman ng mga bata sa playground.

Tinignan ko lang sila. Dapat hindi nila ako makitang umiiyak kaya dali - dali akong naglakad kahit masakit pa ang mga sugat ko. Kaso biglang...

It's a Deal! (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon