35 | Am I Wrong

1.3K 22 2
                                    

*RODJUN'S POV*

Late ako nakadating sa party ni Sef. 

Marami kasi akong nakasalubong kaya nakipagkwentuhan pa ako sa kanila.

Halos 10:30pm na nung mapansin ko yung oras kaya't nagpaalam na ako sa mga kausap ko at dumiretso na sa party ni Seffy boy.

Pagkarating ko, sobrang dami nang tao.

Sa bagay, halos mag 11pm na rin naman kasi.

Alam niyo naman kung paano magparty ang mga kabataan di ba? Hanggang madaling araw yan for sure!

Pumasok na ako sa loob pagkababa ko ng kotse.

"Hi Rod!"

"Congrats sa pagkapanalo niyo sa Battle of the Bands!" 

"Papi Rodjun!

Halos iyan yun mga bumati sa akin pagpasok ko ng party ni Sef.

Halos mga taga - Treston ang pumunta ngayon ah.

Pumunta na lang ako kaagad sa second floor. Nakikita ko kasi sila Frank at Enzo nandoon nakadungaw.

Nandun naman sila Maqui, Gino, Bea, Barbie at Derrick sa sofa.

It's a Deal! (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon