46 | The Winner

1.1K 27 6
                                    

*Moe's POV*

Natapos na ang Christmas vacation namin. Back to school na rin sa Monday. This weekend, I planned to take Julie to the beach again. Wala lang, nakakarefresh lang.

Gusto ko lang pasayahin siya. Hindi naman Julielmo day, pero I have planned something better for her. I want to end our vacation by ending this deal officially.

Talo ako and I'm sure of it.

Wala nang pretensions or what. Mahal na mahal ko na talaga si Julie Anne. Walang halong biro or alinlangan man. I am really sure of my feelings for her.

Gusto ko na rin kasi totohanin kung anong relationship mayroon kami ni Julie.

Since naging masaya naman ang Christmas and New Year celebration namin, sana naman maging masaya rin siya sa sasabihin ko.

Nandito na kami sa beach. Sinundo ko si Julie kanina. Buti pumayag si Tita Ivic na pumunta kami ulit ng beach pero kasama ang barkada, syempre.

"Emo ba tayo ngayon?"

Napalingon ako. Si Julie pala.

Inabot ko yung kamay ko sa kanya.

"What are you doing here? Malamig. Baka ginawin ka." Sabi ko sa kanya habang lumalapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko. Hinawakan ko siya ng mahigpit at tsaka niyakap at binigyan ng halik sa noo.

Ngumiti naman siya sa akin at nilagay ang scarf na dala niya sa aming dalawa. "Bakit? Nandito ka rin naman ah! Tsaka mas maganda yung hangin dito kaysa sa kwarto eh. At least natural air."

Hindi ko na siya sinagot muna at tumingin na lang ako sa malayo.

Pagkatapos ng ilang sandali, kinausap ko ulit siya.

"Bakit gising ka pa? Hindi ka ba napagod sa biyahe kanina?"

"Hindi makatulog."

"Sa gabi sa kaiisip Jules?"

"Sa diwa ko, ikaw ang aking panaginip Moe."

Nagtawanan naman kami ni Julie. Hay basta sa mga kalokohan, nagkakasundo kami kaagad eh. This girl talaga. 😍

"Pero seryoso, nagtatanong po ako ng maayos eh."

"Eh trip ko lang po kumanta."

"Bakit nga gising ka pa? Pinayagan ka nila Maqui na lumabas? Baka hanapin ka nila doon sa loob..."

"Hahanapin nila ako syempre pero ang tanong, gising pa ba yung mga maghahanap?"

We stayed for a while in this position. I am contented that Jules and I are like this.

But I have to tell her.

Tell her that I already lost.

That I love her already.

Julie has the right to know my feelings for her.

And I have this weekend to say this to her.

"Ang saya ng Pasko at Bagong Taon!" sabi ni Julie.

"Of course."

"Thank you Moe for doing everything."

Niyakap ko pa siya lalo.

"I would do it all over again. Basta masaya ka, Jules."

Wala nanaman umiimik sa aming dalawa. Nakaupo na kami ngayon sa sand. Nakabackhug ako sa kanya at nakatingin kami sa mga bituin at buwan na nasa taas ngayon.

Naisip ko lang na sa lahat ng natalo, ako pa ata ang pinakamasaya.

Kasi mayroon ang pagkakataon na ipagtapat sa kanya na mahal na mahal ko siya.

Kung dati, medyo may pag - aalinlangan pa ako na umamin sa kanya. Julie is a mysterious person. I just wanted to find out kung bakit ganon siya at kung kaya ba ni SuperElmo si Julie Anne.

10 minutes na lang, 12 am na. Sunday na, last day na ng bakasyon bago magpasukan.

Sa lagpas na tatlong buwan na pagsasama namin, ang laki na ng pinagbago namin. Sobrang amazing lang na sobrang nag grow kami.

Nakakatawa lang kasi dati tinetest ko lang ang sarili ko kung kaya ng powers ko ang isang Julie Anne San Jose. Ang bababaw ng pag-iisip ko.

Well, kinaya ko naman di ba? At kakayanin ko yon; syempre.

Ngayong maliwanag na sa akin ang lahat.

Habang lumilipas pala ang panahon, nagmamature ang pag iisip natin at pati na rin ang puso natin lalong nagmamahal.

Kasi ngayon, ang gusto ko na lang gawin ay mapasaya ko siya bawat sandali.

Masaya ako kasi pinapasaya niya ako.

"Moe, anong time na?"

"11:55pm"

"Let me lay here first. Saglit lang, promise." Sabi niya as she puts her head on my chest.

Ngumiti lang ako at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

"Kahit hanggang sunset pa, okay lang Jules. Basta kasama kita."

Pagkatapos ng ilang minuto, napaayos siya ng upo niya.

"Moe, in 3 minutes, Jan 03 na."

"Oo nga. Ang bilis no? 15 days na lang, monthsary na ulit natin."

"Advance happy monthsary!" sabi ni Julie sa akin pero sa malayo siya nakatingin.

Ilang minuto pa bago ulit siya nagsalita.

"Halos mag four months na pala tayo Moe. Parang kailan lang no? Ang daming pagbabagong nangyari. Mula kung saan tayo nag umpisa, kung sino tayo noon sa sino tayo ngayon."

Napangiti naman ako. "Ganyan nga rin iniisip ko kanina Jules eh."

"All the time, kapag magkasama tayo, masaya tayong dalawa. May problema mang dumating, eto pa rin tayong dalawa. Hindi tayo sumusuko sa mga laban." sabi ni Julie at sumandal siya sa balikat ko.

"Syempre naman, macho ka eh. Kaya strong tayo!" sabi ko sa kanya at mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

"Siguro nga totoo ang kasabihan na "Matalino sa libro pero bobo naman sa puso.""

Napatitig naman ako sa kanya.

"September 16, 2014. Diyan nagsimula ang lahat. Alam ko sa simula pa lang na pwedeng mahantong sa ganitong sitwasyon. At alam ko rin na pwede akong maging alanganin sa posisyon na ito."

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Parang total silence lang kumabaga.

"Moe. Alam mong sobrang optimist ako. Siguro minsan medyo nagiging pessimist pero hindi ako masokista."

"Kaya ko pa naman magtiis pero may hangganan lang din ang pagtitiis ko. Niloloko ko lang at sinasaktan ang sarili ko kung papatagalin ko pa ito."

Lumayo siya sa akin at tinignan ang mga mata ko.

"Sobrang saya ko sa halos apat na buwan na relationship natin. Pero sobra na. Kung ipagpapatuloy pa natin ito, masasaktan at masasaktan na ang isa sa atin."

Nakatingin lang ako sa kanya. Para ba akong natameme sa mga sinasabi niya. Hindi ako makagalaw. Hindi rin kasi mapruseso ng utak ko yung mga sinasabi niya.

"Mas masakit ang mga mangyayari sa atin kung tatagal pa itong ginagawa natin. We need to make this deal stop. Tama na, itigil na natin ito."

Halatang - halata sa boses ni Julie na pinipigilan na niyang umiyak.

"Anong ibig mong sabihin Julie?"

"Jules?"

"I lost. You won!"

It's a Deal! (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon