11 | Sunflowers and Spongebob

1.8K 18 0
                                    

*Julie's POV*

Pagpasok ko ng bahay ....

"HEP! JULIE ANNE SAN JOSE! SAAN KA GALING ABER?" sabi Maqui.

Napalingon naman ako sa kanya. 

05 PM na pala. Paglingon ko sa living room, hindi lang pala si Maqui yung naghihintay sa akin. Nandito pala ang buong barkada. Wow, infairness. Complete sila ngayon. As in! Si Bea nga naka - cross legs pa eh.

"Uhm, hi guys!"

"Saan ka galing Jules? Alam mo bang kanina ka pa namin hinihintay dito."

Hindi naman. Obviously, hindi ko alam. "Kung alam ko lang guys, sana kanina pa ako nandito. Anong oras kayo dumating dito sa bahay?"

"After ng mass kanina. Nakakain na nga kami ng lunch at nakapaglibot na kami sa mall pero ayon, wala ka pa rin dito sa inyong house."  sabi ni Yassi.

"Oo nga eh. Buti hindi kami nabulok dito Jules." sabi ni Andre.

"Sino ba kasing nagsabi na pagdating niyo eh nandito rin ako? Sana tumawag o nagtext man lang kayo sa akin."

"Naka-ilang texts at tawag na kami sa'yo pero ni isa doon hindi mo sinagot."

Pagkasabi non sa akin ay agad kong kinuha yung phone ko na nasa bag. Pagdukot ko ng phone, yung phone ni Moe yung nasa akin. Hay, nasaan ba kasi yung phone ko? Tsaka bakit nasa akin tong phone ni Moe? Hay baka na kay Moe yung phone ko. At malamang sa malamang, bukas na niya iyon mabibigay sa akin. :((

It's a Deal! (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon