45 | Celebrate good times

1.4K 27 1
                                    

*Moe's POV*

"Hi Tita! Merry Christmas po." sabi ko kay Tita Ivic habang inaabot ko sa kanya yung regalo ko.

"Thanks Moe." sabi ni Tita sa akin at nilagay niya yung regalo ko sa ilalim ng christmas tree.

Pinaayos ni Tita yung isang venue sa resort para doon kami lahat kakain. Halos kami na lang din naman yung mga guest dito eh. Nalaman ko kasi kay Julie na nakapagcheckout na yung ibang guests kahapon. So, kami na lang talaga yung naiwan dito sa resort.

Nalaman ko rin kay Maqui na sila Julie pala ang may - ari ng resort na ito. Kaya pala nung tinanong ko si Tita Ivic kung bakit kami na lang yung tao dito sa resort eh natawa na lang siya. Tapos parang prinsesa pa kung ituring si Julie dito ng mga staffs and crews.

"Tita, ang ganda po ng pagkakaayos."

"Syempre naman Moe. Para hindi pa rin tayo malayo sa ating mga bahay."

Sobrang simple lang yung pagkakaayos ng lugar. Yung christmas tree, konti lang yung decors pero mafefeel mo na pasko na talaga. Tapos yung mga lights pa, nakaka - uplift ng spirit, Tapos nandun na rin lahat ng regalo sa ilalim ng christmas tree.

"Complete na po yung gifts Tita?"

"Yes, son. Pati mga gifts ni Jules nandiyan na rin."

"Nagkaroon pa po pala ng time si Jules mamili?"

"Moe, October pa lang namimili na iyan. Kaso hindi ko lang alam kung complete, hindi ko pa kasi nakikita yung sa'yo."

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Tita at nagpaalam na pupunta muna ako sa long table. Nakita ko nandun na sila Sef at Steven.

It's a Deal! (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon