36 | 60th day

1.3K 19 6
                                    

*Julie's POV*

Monday morning.

Kakauwi lang namin ni Mommy kaninang 3am. Natulog lang ako ng saglit at papasok na ako mamaya.

Pakadating ko sa school, pumunta kaagad ako sa locker ko.

Kinuha ko yung worksheets na kailangan kong sagutan dahil nga nag - absent ako. 

Habang inaayos ko yung mga gamit ko sa locker,

"Halloooo Bessy!!"

Si Maqui. Nagbubukas din siya ng locker niya. 

"Kamusta ang bakasyon sa province?"

"Masaya naman at tahimik."

"Yun lang? Wala nang iba pang nangyari?"

"Nandoon yung fiancee ni Ate Rose. Namanhikan na sa family namin. Kaso wala naman yung iba kaya sayang hindi pa rin kami nakumpleto doon."

"At least nakapagbakasyon ka ng sandali at napahinga mo rin yung pag - iisip mo."

Napangii ako nung sinabi ni Maqui iyon. "Pati puso ko." sabi ko ng pabulong.

It's a Deal! (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon