47.2 | For Real

943 25 16
                                    

*Maq's POV*

Nagising ako at wala si Julie sa tabi ko. Si Abby naman ang himbing na nang tulog sa kabila.

Bumangon ako para silipin kung nasaan si Julie.

Nahagip ng mga mata ko na may nakatayo sa may terrace.

Si Julie.

Nakasandal lang siya doon.

Agad akong nagslippers at pinuntahan ko siya kaagad.

Nakatingin lang siya sa kalawakan.

"Oh, ang aga pa eh nag - eemo ka na!"

Napatingin naman siya sa akin.

"Morning Maq! Ang sarap ng hangin no?" sabi niya sa akin at nakangiti pa talaga siya.

"Hindi ka natulog." Sabi ko sa kanya habang hinahawakan ko yung ilalim ng mga mata niya.

"Hindi ako makatulog. Sorry kung nagpuyat ako."

"Ngayon pala kayo magse-celebrate ni Moe ng JuliElmo Day di ba? Happy Julielmo Day!"

"Julielmo? What a joke."

Hindi ako nagsalita. Tinignan ko siya at nakita kong umiling na lang ang ulo niya. 

Ilang minuto rin ang katahimikan. 

"It was all just a game, Maq."

"Ha?"

It's a Deal! (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon