12 | Emergency Meeting

1.9K 18 0
                                    

*Andre's POV*





Nandito ang barkada except kay Julie.





"Ang aga niyo naman guys. Anong ginagawa niyo dito?" sabi ko.





Monday kasi ngayon, eh walang pasok dahil holiday.





Nagplano nga pala ang buong barkada na meeting tungkol kay Jules.





Sobrang ginulat niya kami kagabi na may boyfriend na siya eh. Tapos bigla pa siyang umakyat na lang kagabi sa kwarto niya.





Nung sinilip namin siya kasi magpapaalam na kami at aalis na kami, tulog na tulog na siya.





Kaya kay Mommy Ivic na lang kami nagpaalam bago umalis. 





Gusto naman namin na masaya si baby Jules eh. Pero nagulat lang talaga kaming lahat, lalo na si Maqui.





Grabe no? Bigla bigla na lang magsasabi na may boyfriend na siya.





At nakakagulat din na ayaw niyang ipakilala sa amin yung boyfriend niya kasi raw kilala na namin yung taong iyon.





Yun pala, yung taong iyon ay yung pinakaayaw niyang tao.





Pero heto, si Maqui, nagpatawag ng emergency meeting. Kahit sinabi namin sa kanya na hayaan na lang niya. 





It's a Deal! (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon