3 | Dinner

1.7K 16 2
                                    

*Elmo's POV*

Maaga raw ako umuwi kasi sabi ni Mom. Haaayst.

Ang hirap naman talaga kapag only child. Joke lang guys! 4 kami magkakapatid. Si Kuya Frank, Ako, Si Clara and si Arkin. Yup, only girl lang si Clara kaya she deserves to be the princess of our family. Kami ang protector niya sa lahat. 

Pero ayun nga, dahil maaga ako pinapauwi ni Mom ngayon, nakakainis kasi Friday na Friday tapos maaga ka uuwi? Hayst!! Si Kuya Frank nga susunod na lang kasi may tatapusin pa siyang project with his classmates eh. Ako, okay naman na. Ka-group ko kasi sila Steven so nagbrainstorming lang kami tapos sila na bahala gumawa.

Pero bakit si Kuya Frank okay lang malate, tapos ako hindi? What the? Okay... 

Super daya lang talaga.

Nagyayaya pa naman si Enzo maghang out lang naman sa bahay ni Steven mamaya. Yup, tama ka. Si Enzo pa talaga nagyaya, akala mo bahay niya no? HAHAHA Ang gulo ng utak ng mga katropa ko.

Anyway, palabas na kami ni Kuya Anton, my driver, sa gate 3. Pero may natanaw ako.

Si Julie, nakaupo doon sa bench. Mag - isa lang siya at nakatulala habang naghihintay siguro ng sundo niya. 

Actually kaninang umaga pa tulala yan si Julie eh. Parang ang lalim ng iniisip. Siguro may mabigat siyang problema tapos hindi niya alam paano niya susulusyunan. Kaya nga hindi ko na lang siya nilapitan kanina para asarin eh.

"Kuya, pakibusinahan naman si Julie oh."

BEEP BEEP

Agad ko naman binaba yung window ko.

"Hoy Baby Girl!"

Tumingin agad sa akin at inirapan ako. "Ano nanamang kailangan mo sa akin?"

Hay kahit kailan ang sungit talaga nito. Lagi atang mayroon eh.

"Ang sungit mo naman kaya siguro nag - iisa ka diyan no? Kasi naman lahat na lang sinusungitan mo kaya ayan tuloy ayaw ka na nilang kasama." Lalo ko lang siyang inaasar.

"For your information Mister Magalona, wala akong kasama kasi hinayaan ko yung mga kaibigan kong makipagdate sa kanila mga love love love! Pero ikaw? Anong ginagawa mo rito? Himala yata na mag - isa ka ngayon? Iniwan mo na ba ang Football Team para gumanda na ang game nila?" sabi naman niya. Wow ah, medyo below the belt tayo dun banda Julie.

"Ipapaalam ko lang po na maaga rin ako uuwi ngayon eh. Pinapauwi kasi ako ni Mom ng maaga."

Tinignan niya ako pagkatapos tumawa ng malakas.

It's a Deal! (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon