13 | I'll Be There

1.9K 17 1
                                    

*JAKE'S POV*





Tuesday ngayon. May pasok nanaman. Papunta kami sa bahay ni Jules. Dating routine, susunduin ulit namin ang barkada para sabay - sabay papasok sa school. 





Napagdesisyunan na ng barkada na hahayaan na lang namin si Julie sa mga naging desisyon niya. Basta maging masaya lang si Julie. Pero wala dapat magsasabi kay Julie na nagkaroon kami ng meeting kasi hindi na rin naman importante iyon na malaman niya pa.





06:30 AM nandito na kami sa labas ng bahay nila.





"Gising na yon, si Jules pa ba?" sabi ko.





"Oo nga. Lagi naman nauuna iyon sa paggising sa atin eh." sabi ni Andre.





Si Andre na ang pumasok sa loob ng bahay ni Julie. Naiwan kami ni Derrick sa loob ng kotse. Kasi baka mapasarap nanaman ang kwentuhan namin ni Mommy Ivic at malate kaming lahat nanaman.





Nagdoorbell na si Andre.





"Sino yan?" sabi ni Ate Bel.





"Ate Bel, si Andre po ito. Susunduin lang namin si Jules."





"Ay, sir Andre. Nakaalis na po si Jules eh."




"Ha?"





"Nakaalis na po siya. May sumundo po sa kanya kaninang 06:15 am po."





It's a Deal! (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon