17 | Sick

1.7K 16 0
                                    

*JULIE'S POV*





Since natapos na yung semi - finals ng Battle of the Bands, naging mas popular si Elmo at ang Homeground ngayon sa school. Sikat na sila dati pa, mas sumikat pa ngayon. Parang maya't maya may nagpapapicture or nakikiselfie sa kanila. 





Wala naman akong pakialam kahit sino pa makipagpicture kay Moe, eh. Buhay pa rin niya iyon. Feeling ko labas pa rin ako kung ano man gusto niyang gawin kasi siyempre girlfriend niya lang naman niya ako dahil sa deal eh. Kaso ayun, pati lunch, dinudumog siya ng mga fan girls niya. Psh.





Nag - early lunch ako kasi kailangan ko inumin yung mga gamot ko. Hindi na sana ako papasok ngayon kaso may apat kaming long tests eh. Ngayong lunch break naman, magdistribute ako ng mga papers para sa mga gusto sumali ng organizations. Kahit nahihilo na ako, go pa rin ako ng go kasi kailangan eh. 





Kaso...





"Hi Kuya Elmo, pwede po ba ako makipagpicture sa'yo?" tanong ng isang bata. 





Panglima na iyan nagtanong sa kanya. Naiinis na nga ako eh. 





Nag - insist pa si Moe samahan ako mamigay ng mga list of organizations sa bawat classroom pero eto lagi na lang may nakikipagpicture sa kanya. Hindi ko na nga sinabi sa kanya na ang sama ng pakiramdam ko kaso lalo akong nahihilo sa ginagawa naming pahinto - hinto dahil nga may gustong makipagpicture sa kanya.




Tinignan naman ako nung batang gusto magpapicture kay Moe.





"Pwede po ba Ate Julie?"





Hindi eh. Sorry kasi marami pa kaming gagawin. Tapos nahihilo pa ako kaya tigilan niyo na muna yung idolo niyo kaya siguro mauuna na kami. Nice talking with you, kid. 





It's a Deal! (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon