Chapter 21 - Caught Red-Handed

244 18 8
                                    

Chapter 21 - Caught Red-Handed

Not edited. Not proof read.

x — x — x

Aiden sat across from Nathan San Jose CEO and owner of SJC, Father of her fiancé. They were currently having lunch at a restaurant not far from the office. Since out of town padin si Julie, siya ang inaya nitong samahan siya mag lunch. In between ng pagkain nila ay pinag usapan nila ang business at kinamusta nito ang trabaho niya.

"Kamusta na nga pala preparations sa kasal niyo ni Julie? May date na ba kayong na-set?"

"Uh, di pa po namin napag uusapan yung date and yung preparations di parin po naumpisahan. Gusto po kasi ni Julie after nalang po ng launch asikasuhin para daw po mabigyan niya full attention niya."

"Hmm, sabagay. Napaka importanteng maging successful ang launch na yun." The older man thoughtfully said.

Tumango nalang siya in acknowledgement at nanahimik na lamang. Tinuloy narin nila ang pagtapos sa kinakain nila dahil pareho pa nila kailangan bumalik ng opisina.

Nang matapos sila ay sumenyas na si Nathan sa waiter para sa bill nila. Tumunog ang cellphone niya at tinignan kung sino ang nag text sakanya, napangiti siya at nireplyan ito. Di niya napansin na naka tingin sakanya si Nathan, "Si Julie ba yang nag text? Pauwi na ba sila?"

Napa angat ng tingin si Aiden mula sa cellphone niya sa sinabi ni Nathan, "Uh.." napakamot sa ulo dahil hindi naman si Julie ang nagtext, "Ti-tinanong lang po niya k-kung nag lunch na daw po ako. P-pinaalam lang po niya sa akin na n-nag stop over po sila para mag-lunch. Hehe"

"Ah, okay. O pano let's go back to the office na. Sabay ka na sakin."

"Um, di na po. M-may dadaanan pa po ako."

"Alright. See you at the office." At tumayo na siya at lumabas na ng restaurant.

Aiden sighed in relief. "Muntik na yun." Napatingin ulit siya sa cellphone ng tumunog ito at nakita na may text siya muli, napa ngisi siya at nagmadaling umalis at bumalik sa SJC building.

Pagpasok niya ng lobby, nakita niya agad ang katagpuan niya na naghihintay sa hallway papunta sa restroom. Nakasandal ito sa pader na nakatingin sakanya ng malagkit. Ngumisi siya pabalik dito at naglakad papunta sa direksyon nito habang pa-simpleng tumitingin sa paligid ng lobby. Halos walang tao dahil lunch break at busy din ang receptionist sa pag sagot ng mga tawag. Nang nakuntentong wala nakapansin sa kanya ay binilisan ang lakad niya patungo dun sa taong naghihintay sakanya.

Nang makalapit siya dito ay bigla nitong hinatak ang necktie na suot niya at hinalikan siya sa labi. "Not here, baka may maka kita satin." Sabi niya ng hinawakan niya ito sa balikat at linayo sakanya.

"Na-miss lang kita, di na ko makapag hintay." Naka pout na sabi sakanya ng babae.

Ngumisi siya dito, "Ako din." At hinila na babae ang braso niya patungo sa janitor's closet.

— x — x — x —

Pabalik na si Sarah kasama ang ibang colleagues niya sa Advertiding Department at si Dianne from their lunch break, nasa lobby na sila ng SJC Building nang mapansin niya si Aiden na naglalakad papunta sa direction ng Restroom. Sinundan niya ito ng tingin habang sila ng mga kasama niya ay papunta sa direction ng elevator, napansin din niya ang babaeng naka sandal sa pader sa direksyon na pupuntahan ni Aiden. Naka ngisi ito at nakatingin ng malagkit sa binata.  Tinignan niya at kinilala ang babae.

All This Time [ON HIATUS]Where stories live. Discover now