ADWMSH20

191 7 0
                                    


CHAPTER 20


Hindi naging madali ang pagbubuntis ko sa pangalawang pagkakataon  nalaman kasi na hindi masyadong healthy si baby my first tri-mester ay naging okay pa ang pakiramdam ko. Dahil napagdaanan ko na naman ang pagbubuntis akala ko hindi na ako mahihirapan pero nagkamali ako. 

Napagdaanan ko ang mga normal na napagdaanan ng mga buntis sa unang stage nito naawa nga ako kay Lexis kasi alam ko na nahihirapan siya pero nag tiya-tiyaga siya para sa amin ni baby, nagkaron ako ng slight bleeding kung kaya nataranta  siya at halos mawalan ng malay ng mga sandaling iyon pero nakikita ko na kinakaya niya kahit nararamdaman ko na halos mawalan na siya ng malay sa mga oras na 'yon.


Nandyan din ang mga pag ccrave ko nga kahit anong pagkain na imposible pero nagagawan niya ng paraan para lang mapagbigyan ako. Ang mga mood swings ko na alam kung pinoproblema niya rin pero sa huli tumatawa nalang siya kahit na naiinis ako sa kanya.


Headaches.


Constipation.


Lahat yan nakaya kong tiisin dahil alam ko na nandyan siya at ang anak naming si Alex . Sinusuportahan nila ako at ramdam ko ang pagmamahal nilang dalawa sa amin ng magiging karagdagang meyembro ng pamilya. Ngunit sa paglipas ng mga buwan unti-unti akong nahihirapan dahil masyadong malaki ang tiyan ko kung kayat nagkaroon din ng complication kasi nalaman ng doktor na hindi tugma ang timbang na dapat sa aming dalawa ni baby. Hindi ko malaman kung dapat ba akong matuwa sa nalaman na sobrang healthy ni baby kaya hindi ayon ang timbang naming dalawa o mapaiyak sa maaaring mangyari sa aming dalawa ng anak ko.


If only I could do something about it pero hindi na pwede kasi malapit na 'din ang kapanganakan ko. 


I know na nahihirapan din si Lexis kasi nararamdaman ko yun. Pinapakita niya sa akin na okay ang lahat pero alam kung hindi.


3 Days ago

Nagpunta ako sa hospital para alamin ang maaaring magiging kahihinatnan ng pagdadalan tao ko...


"All I can say to you Mrs. Javier is that your pregnancy si not healthy," sabi niya "alam kong alam mo ang ibig kong sabihin".... dagdag pa niya.. Napatango ako kasabay 'non ang pgpatak ng luha ko...


Alam ko...


I know...


I know that I am not healthy. 


I know what might happen if I still pursue my pregnancy.


But I know deep in my heart all I want is to make my baby live.


Hindi alam ni Lexis ang totoong kalagayan ko.


Walang totoong nakakaalam ng kalagayan ko. 


Ako lang..


Ako lang ang nakakalam ng sitwasyon kung kaya't hirap na hirap ako. Gusto kung sabihin sa kanya ang lahat pero sa tuwing sinusubukan ko nahihirapan ako.... hindi ko kaya..


Hindi ko kaya!


Nakikita ko kung gaano ako inalagaan ni Lexis simula ng malaman niya na mag kaka-anak ulit kami, nandyan siya palagi sa tabi ko at nakikita ko kahit hindi pa si baby buo alam ko na mahal na mahal niya na ito at gustong makapiling. Alam kong nangungulila siya noon dahil hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na alagaan at arugain si Alex noon. Kaya anong karapatan kong tangalan siya ng karapatan para magawa niya yun? Anong karapatan kong mag reklamo sa takbo ng buhay ko ngayon?.. 


Para sa pamilya ko kaya kong gawin ang lahat.


 Lahat-lahat..


Naglalaro ngayon si Lexis kasama si Alex sa dito sa mini computer lab nila. Napatingin si Lexis nung nakita niya na bahagyang nakabukas ang pinto, napangiti naman ssiya agad ng makita ako. Tumayo siya agad at humakbang palapit sa akin kasabay sa pagtayo niya ay ang pagtayo din ni Alex dumamba agad si Alex sa akin para mahalikan ako pero di niya naman tinamaan ang tiyan ko. Habang nakangiti naman na nakatingin sa amin ngayong dalawa si Lexis. 


"Where have you been?" tanong niya agad sa akin ng napag-isa na kami dahil bumalik na si Alex sa paglalaro. Napatawa naman ako sa inaasal ngayon ni Lexis parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya kung makapagtanong siya sa akin ngayon.


"I just take a walk" sabi ko naman sa kanya sabay pulupot ng mga braso ko sa bandang leeg niya. Napasimangot siya sa sinabi ko.. "Without us?" dagdag niya. Napatawa na ako ng tuluyan alam kong nawe-wierdohan na siya sa akin pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung saan talaga ako nag punta.. "Oh come on! Were not being grumpy are we?" tanong ko sa kanya sabay halik sa kanyang labi. Napapikit naman siya sa ginawa at bakat sa kanyang mukha ang kanyang ngiti kaya alam  ko na nawala na ang galit niya sa akin.


"Next time tell me where do you want to go so that I could accompany you" sabi niya na tuluyang nag pangiti sa akin.


"Yes babe" sabi ko nalang at nakatingin ng derecho sa kanyang mga mata.



Masaya kaming kumakain ngayon ng dinner, kita sa mukha ang saya nila., nag uusaap din silang mag-ama tungkol sa paglalaro nila ng video games ng mga pangaral ni Lexis kay Alex, at nakikinig naman si Alex sa kanya. 


Masaya akong makita ang pamilya ko na masaya. 


Kaya anong karapatan kong tangalin ang mga masasayang  pagkakataon na kagaya nito....


I hope someday you will understand. 


I love you both.


I'm sorry....

Another Day With My Sadist HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon