"Erinne? Ano na? Bakit tulala ka lang jan?" Tanong sa akin ni Boss habang nakasmirk.
Walanghiya! Matapos niyang kunin ang first kiss ko?
"Hindi mo manlang ba ako papasukin sa loob ng bahay mo?" Pagpapatuloy niya ng hindi siya makakuha ng sagot mula sa akin.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
"Sinasabi ko na nga bang mas pogi ako kaysa sa sweetiepie mo hindi ba?" Sabi niya ulit.
Anong meron sa kanya ngayon? Bakit niya ako pinapaasa? Matapos niyang banggitin sa harap ko ang pangalan ni Elaine? Teka? Diba, nilalagnat to? Ang bilis naman niyang makarecover.
Buti pa siya. Di tulad ng puso kong ito. In love pa rin sa kanya.
"Boss, magkaiba po kayo ng sweetiepie ko. Kaya hindi ko po masabi kung mas pogi po kayo." Sabi ko. Kumunot naman lalo ang noo niya.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko sinabi na ang sweetiepie ko ay si Julianna. Minsan ko lang kasi tawaging sweetiepie si Julia eh. Kaya siguro hindi siya aware.
"Ganun ba? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya habang pumapasok sa loob ng bahay ko.
Feel at home naman siyang umupo sa sofa.
"Meron ka bang orange juice dito? Feel kong uminom ng matamis." Sabi niya.
"Ah, sige Boss. Ipagtitimpla ko kayo." Sabi ko at iniwan muna siya doon sa sala.
Napansin ko naman na hawak ko pa rin ang cellphone ni Julianna.
Itinabi ko nalang muna ito.
Habang pinagtitimpla ko siya ng juice ay naramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko.
"Hindi ka ba magtatanong?" Sabi niya.
"Ano naman po ang itatanong ko?" Tanong ko.
"Why did I kissed you?" Sabi niya.
Namula naman ako. Buti na lang at nakatalikod ako sa kanya.
"Eh bakit nga ba Boss?" Tanong ko.
"Why? I actually don't know. Nagulat din nga ako ng halikan kita eh." Sabi niya.
Nagulat naman ako ng hawakan niya ako sa balikat at pinaharap sa kanya.
Hindi ako makahinga ng maayos. Ang lapit lapit niya po sa akin.
He holds my chin.
"Look at me..." Sabi niya.
Omy! Ang puso ko!
"B-boss..." Nasabi ko na lang.
"Go out with me....please"sabi niya.
"P-po?" Nagulat naman ako dun.
Pero imbis na sagutin ang tanong ko ay inilapat niya na lang ang labi niya sa labi ko.
He kissed me passionately. So gentle....
Sa sobrang gentle ay napapikit na lang ako.
Bahala na ang puso ko kapag nasaktan.
Tumagal ng ilang segundo bago siya humiwalay sa akin.
"Go out with me..." Sabi niya ulit.
"A-ah...k-kasi...Boss..." Nauutal kong sabi.
"Please..." Sabi niya.
"Okay." Maikli kong sagot.
Mahina ka Ellissa! Bumigay ka naman.
"Paano ang sweetiepie mo? " tanong niya.