Dalawang araw pa akong nanatili sa ospital bago ako lumabas. Pagkalabas ko naman ay hindi agad ako pinapasok sa opisina.
Ngayon palang ulit ako makakapasok.
Pagdating ko agad sa opisina ay sinalubong ako ni Herea.
"Ellissa! You're back!" Hysterical din niyang sabi. Parang si Julia lang.
"Herea Iris Montello, I am really back!" Sabi ko.
"Mabuti naman at okay ka na. Kahapon pa kasi nandito yung Clyde na yun. Ang kulit kulit. "
Sabi niya.Clyde?
"You mean Christoffer Clyde Mendez? Herea Iris?" Tanong ko.
Medyo namula naman siya.
"Yeah, kahapon pa nangungulit. Wala kasi si Sir. Siya yung pumalit muna." Sabi niya sa akin.
"Ano naman ang pakiramdam na kasama mo ang isang Christoffer Clyde?" Tanong ko sa kanya.
"Hmmp! Ang playboy na yun? Sobra niyang playboy! Nakakairita! Pakialam ko sa mga naging girlfriend niya?" Sabi niya.
"Talaga? Kahit sa sarili mo, wala kang paki? Diba ex-girlfriend ka rin niya?" Tanong ko.
Namula lang siya lalo sa sinabi ko.
Natawa naman ako sa reaksiyon niya.
"Nasaan nga pala si Boss?" Tanong ko.
Hindi ko siya napansin nung pumasok ako.
"Yun na nga. Hindi ko rin alam. Try mo itanong sa kapatid niya." Sabi nito.
Tumango lang ako. Didiretso na sana ako sa desk ko ng may naalala ako.
"Herea, ilang taon ka na?" Tanong ko.
"22, bakit mo natanong? Ikaw, ilang taon ka na? Halos limang taon na tayong magkakilala pero hindi ko pa alam kung ilang taon ka na." Sabi niya.
Tama nga naman siya.
"26 na ako. Mas matanda pala ako sa iyo. Well, kaedad mo pala si Christoffer Clyde." Sabi ko.
"Kaedad ko talaga siya. Classmate kami nung high school." Sabi niya.
Napailing na lang ako. Umupo na ako sa upuan. Natural, alangan namang sa sahig ka umupo!
Ay ako na ang loka. Kinakausap ang sarili.
Naalala ko nga palang tanungin si Tine.
Tinawagan ko na lang siya.
Nakakailang ring pa lang ay sinagot niya na.
(Ate?)
"Hello Tintin, itatanong ko lang sana kung nasaan ang Kuya mo. Wala kasi siya dito at baka may dumating na mga investors."
(Naku Ate, baka nasa condo niya. Puntahan mo na lang. Tatawagan ko na lang siya at sasabihing papunta ka na. Sige bye.)
Bago pa ako makakontra ay iend niya na ang call.
Haysss...
No choice, kailangan kong pumunta doon.
"O, saan lakad mo?" Tanong sa akin ni Herea ng mapansin niyang aalis ako.
"Kay Boss." Maikli kong sagot.
"Sige, ingat." Sabi niya at bumalik na sa ginagawa.
"By the way, Iris, baka si Clyde na muna ang papalit kay Boss. Hindi ko alam pero busy si Boss eh." Sabi ko.
Napagasp pa siya. Natatawa na lang ako sa reaksyon niya.
Dali-dali akong lumabas at sumakay sa bisikleta. Yes, may dala akong bicycle. Malapit lang naman ang condo ni Boss eh.
Kere ko na to.
Pagdating ko sa tapat ng pintuan niya ay humahangos na ako.
Ikaw ba naman ang umakyat ng hagdan tapos sakay sa elevator , tapos...okay...it's like a cycle.
Kumatok na muna ako.
Agad namang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nanginginig na Clarence.
"Boss? Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko. Hindi siya sumagot. Hinila niya lang ako papasok sa loob.
Ang init niya. May lagnat yata to.
"Boss, you have a fever. Uminom na po ba kayo ng gamot?" Tanong ko.
Tinitigan niya lang ako.
Medyo conscious ako ha. Kung makatitig kasi wagas.
Napalunok na lang ako.
"Boss, balik na po tayo sa kwarto niyo." Sabi ko at inakay siya papunta sa kwarto niya.
Nasa kalagitnaan na kami ng hagdan ng may maalala ako.
"Boss, saan ang kwarto mo?" Tanong ko. Tinuro niya naman iyon.
Nasaan na kaya ang dila ni Boss? Hindi siya nagsasalita eh.
Pagkapasok niya sa kwarto ay agad ko siyang pinahiga.
Kumuha naman ako ng towel at maligamgam na tubig.
Binasa ko yung towel at nilagay sa noo niya.
"Rinne...' Almost a whisper.
"Boss?"
"It's...cold..."
Okay, gets ko na. Nilalamig na siya.
Hininaan ko na lang ang aircon.
Naupo ako sa gilid ng kama. Hindi pa rin nagsasalita si Boss.
"Boss, gusto niyo po ba ng soup? Ipaghahanda ko po kayo." Tanong ko. Tinitigan ko siya.
Nakatingin lang siya sa akin.
Anong meron sa mukha ko? Masyado ba akong maganda ngayon?
"Boss? Anong problema sa mukha ko? Mukha ba akong alien sa paningin niyo?" Sabi ko.
Napangiti naman siya.
Wait? Ngumiti si Boss? Tinitigan ko siya ulit. Hindi na siya nakasmile.
Ay baka imagination ko lang.
"Ipaghanda mo na nga lang ako Erinne. Ang daldal mo eh." Masungit niyang sabi.
Bumaba na ako. Paano ako hindi magdadaldal eh, ayaw niya magsalita? Nakatingin lang siya sa akin. Nakakaconscious ha.
Ipinaghanda ko na lang siya ng soup. Nung matapos ang paghahanda ko ay agad akong umakyat papunta sa kwarto ni Boss.
Pagdating ko doon ay nakita ko si Boss na mahimbing na natutulog. Mabait pala tignan si Boss kapag tulog.
Nilapitan ko siya at naupo sa gilid ng kama niya.
Ilang minuto ko rin siyang tinitigan bago ko hinawi yung buhok na nakatabon sa kanyang mukha.
"El..." Tawag niya.
"Boss?"
Yung pakiramdam na akala mo pangalan mo ang tatawagin niya.
Tapos.....
"Elaine."
Sabi ko nga. Assuming ako... Letse... Nakakairitang pag-ibig to!
Kung kailan mo napagtanto na mahal mo na siya saka naman sayo isasampal ang masakit na katotohanan....
Mahal niya pa rin si Elaine....
Hindi pa siya nakakamove on...
Wala pa rin akong pag-asa....
Hindi magiging kami....
Nakakainis naman!
Help me fight this feeling please!
Maloloka ka niyan Ellissa!
Another chapter!