It's been one week after that letter. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung sino ang misteryosong LR na yun. Hinimatay nga ako sa sobrang takot.
Paggising ko ay nakita kong nasa ospital pala ako. Si Clarence naman halos maiyak na nung makita niyang gising na ako.
Natawa naman ako pero natatakot pa rin.
Ngayon nasa mansiyon ako kasama si Christine. Hindi pumayag si Clarence na lumabas ako.
Mas lalo lang daw siyang mag-aalala kapag nandoon ako.
"Ate, bakit hindi ka pinapasok ni Kuya? Bakit ka rin nahimatay? Hindi ko pa naitatanong yun eh." Tanong ni Christine.
Kasalukuyan kaming tumatambay sa may sala.
Wala pa ring alam si Christine. Hindi masabi sa kanya.
"Masama kasi ang pakiramdam ko eh. Diba sabi ng doktor, kailangan kong magpahinga." Sabi ko. Which is true naman kasi nga masama talaga yung pakiramdam ko.
Everytime na naalala ko iyon ay natatakot talaga ako.
Hindi ko maalis sa utak ko iyon.
"Hindi ka ba nabobored? Ilang araw ka ng hindi pinapasok ni Kuya sa opisina. Kailangan mo daw magpahinga. Pagaling ka ate. Kung nabobored ka na, sabihin mo lang sa akin. Ako na lang ang magpapasaya sa iyo." Sabi niya sabay ngiti.
Nginitian ko rin siya.
Nag-usap pa kami saka kami nakarinig ng doorbell.
"Ako na ang magbubukas ate." Presenta ni Tine.
Agad naman akong nag-alala.
"Ahm, Tine, sa mga bodyguards na lang ipakuha. Maghintay na lang tayo dito. Kuya Alex! Pakitingnan naman ang nagdoorbell oh." Sabi ko.
Tumango lang ang bodyguard at pumunta sa pinto.
Hinila ko naman si Tine paakyat sa kwarto.
"Halika na, inaantok na ako eh." Sabi ko sa kanya. Nagtataka man siya sa ikinikilos ko ay nagpatangay lang siya.
"May itinatago ba kayong lahat sa akin Ate? Hindi ako nagtatanong pero pansin ko ang mga kakaiba niyong kinikilos. Alam kong may hindi tama, ayaw niyo lang sabihin." Sabi niya.
Hindi na ako magtataka. We are all acting weird in her eyes dahil hindi niya alam ang nangyayari.
I looked at her.
"Hindi ko alam kung ako ba ang tamang tao para magsabi nito." Panimula ko.
"Hindi kita pinipilit ate. I will wait, maghihintay ako hanggang sa pwede ko ng malaman." She said then smiled. What a sweet girl.
"Thank you for being understanding." Sabi ko.
Tumango naman siya bago ngumiti.
Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa kwarto ng makarinig kami ng putok ng baril.
"Ate! Ano yun?" Natatarantang sigaw ni Christine.
Hinawakan ko siya sa kamay at hinila papunta sa kwarto niya.
"Tine, kahit na anong mangyari, wag na wag kang lalabas!" Pakiusap ko.
"No, ate. Samahan mo na lang ako dito. Wag ka ring lalabas!" Naiiyak niyang pakiusap.
"Maria Ellissa Erinne Rios! Magpakita ka! Isa lang sa inyo ang kukunin namin! Kung ayaw mong sumama eh yung batang babaeng Mendez." Sabi nung lalaki.
Nakapasok na sila sa loob ng mansiyon! Hindi pwede ito!
"Tine, ipaalam mo kay Clarence ang nangyayari. Hindi ko alam kung paano sila nakapasok pero kailangan natin ang tulong nila." Sabi ko sa kanya.