Erinne's POV
Ilang araw na ang lumipas simula nang magkita kami ni Clarence. Ang dami nga naming ginawa. Nagbonding din kaming tatlo ng dalawang babaeng magkapangalan.
Kakauwi lang daw nila sa Maynila. Hindi pa nila ako isinama dahil sa kadahilanang marami daw banta sa aking buhay.
Ayaw kong sumugal. Baka may mangyari na namang hindi maganda.
May takot sa puso ko everytime na naiisip kong maaari siyang mawala sa akin.
Sino kaya yung mga taong banta sa buhay namin. Hindi ko kasi talaga maalala. Wala akong naalala kahit isa.
I try so hard to remember but I can't.
Kung sino man sila, alam kong grabe ang galit nila. Baka kaaway sa negosyo?
Natatakot tuloy ako. Baka alam nilang buhay ako at matunton nila ako dito. Madadamay pa sila Mommy Ellisse. Ayokong madamay sila sa gulo. Advance ako mag-isip. Alam ko.
"Ate, ayos ka lang?" Napabalik ako sa reyalidad nung marinig ko ang boses ni Cristine.
"Oo, naisip ko lang kasi yung mga taong nagbabanta sa buhay namin. They want us dead, for sure. Natatakot ako. Baka madamay kayo." Nag-aalala kong sabi.
Umiling naman si Tin.
"Alam mo ate, siguro destiny ang gumawa ng paraan para magkita tayo. Sa dami ng taong pwedeng makakita sa'yo ay kami pa. Kami pa na may kaugnayan kay Kuya Clarence. Naniniwala akong may dahilan kung bakit ka dumating sa buhay namin. Handa akong protektahan ka ate." Saad nito.
Napaluha naman ako at napayakap sa kanya.
"Salamat sa lahat, pero hindi ko yata kakayaning may mangyaring masama sa inyo dahil lang sa pinoprotektahan niyo ako. I will protect myself too. And I will try my best to protect you and your family." Sabi ko naman.
Matapos ang madamdaming pag-uusap namin ay naghanda na kami ng almusal. Kakaisip ko ng mga bagay ay nakalimutan ko ng mag-almusal.
Habang naghahanda kami ay sumulpot si Mommy Ellisse.
"Wow, ang aga niyo naman yatang nagising. Kamusta ang pakiramdam mo Erinne?" Baling niya sa akin.
"Ayos na po ako. Hindi na rin po sumasakit ang ulo ko. Yun nga lang, wala pa rin akong maalala." Malungkot kong saad.
Nilapitan naman nila akong dalawa at niyakap.
"Wag kang mag-alala. Babalik din ang mga memories mo. Not now but soon. Wag mong pilitin, okay?" Sabi niya.
Tumango naman ako. Ang sweet naman ng mag-inang to.
Matapos naming maghanda ay sabay din kaming kumain. Umalis lang saglit si Mommy Ellisse. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Si Tin naman, ewan. May lakad daw sila.
Mag-isa ako ngayon. Walang kasama. Malamang. Wala din akong magawa.
Maglinis na lang kaya ako ng bahay? Kaya lang baka magalit sila. Ayaw kasi nilang naglilinis ako o kung ano pa. Buhay prinsesa daw ako.
Napaupo na lang ako sa panisahang sofa. Nakakabored. Hindi naman ako tinawagan ni Clarence. Nakakainis! Kagabi pa siyang huling tumawag.
Ewan ko ba. Lagi ko nalang siyang namimiss. Enebe. Medyo pabebe ako. Char.
Pero walang halong biro, gusto ko na talaga siyang makita. Nakakamiss siya sobra.
Ayaw niya kasing sumama ako dahil alam niyo na. Delikado ang buhay ko. Namin.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng katok. Dali-dali naman akong tumayo at pinagbuksan ko ito ng pinto. Baka sila Cristine na ito.
Pagkabukas ko ay wala namang tao. Pinagtitripan ba ako? Sigurado akong may narinig talaga akong katok. Nakaramdam nalang ako ng di mapantayang kaba. Ewan ko ba. Pakiramdam ko hindi tamang desisyon na binuksan ko ang pinto. Isasarado ko na sana ang pinto ng mapansin ko ang isang pulang box.