Nagising ako ng marinig ko ang boses ni Christine.
"Anong nangyari sa kanya Kuya? Masyado ka bang madaming iniuutos sa kanya?" Sabi nito kay Clarence.
"Sis, I am actually minimizing her works. Concerned din naman ako sa kanya." Sabi nito.
Weh? Si Boss, concerned?
Ellissa, wag judgemental!
"Ayiiieee, concerned? Ang sabihin mo ay crush mo talaga si Ate Ellissa noon pa lang. Kaya nga lang-
"Shut up Tintin! Manahimik ka nga, baka magising si Erinne." Sabi niya.
Bakit ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag nanggaling sa kanya?
"Erinne? Sino yun?" Tanong ni Tintin.
"Baliw ka rin noh? Matagal na kayong magkakilala ni Ellissa pero hindi mo alam ang pangalan niya? Maria Ellissa Erinne Rios. Yun ang buo niyang pangalan." Sabi niya.
"Wow! Natandaan mo ang buo niyang pangalan? Madalas ko ngang makalimutan yun eh. Ang alam ko lang, siya si Ellissa Rios."
Sabi ni Tintin.Hindi na nagsalita si Clarence. Hinayaan ko na lang sila mag-usap. Nakaidlip na lang ako uli.
Nang magising ako uli ay boses na ni Julia at Tine ang naririnig ko.
"Ang tagal namang magising ng babaeng ito. MARIA ELLISSA ERINNE RIOS! Gising na!" Sigaw ni Julia.
"Julia, wag kang sumigaw diyan. Alam mo ba kanina, si Kuya Clarence,memorize niya yung buong pangalan ni Ate Ellissa." Sabi niya kay Julia.
"Woah! Talaga? Ako nga palagi ko siyang tinatawag sa buo niyang pangalan para hindi ko makalimutan eh. Grabe ang kuya mo girl." Sabi naman ni Julia.
"Bagay talaga silang dalawa. Sana magkatuluyan sila noh? I would be very glad." Sabi ni Tintin.
Hindi ako sure diyan Christine.
Hindi mahirap mahalin ang isang Clarence Mendez. Lalo na kapag kilala mo siya.
Nakakatakot nga lang. Paano kung hindi pa siya nakakamove on?
Magiging rebound niya ako? Ang sakit naman nun.
I can heal his broken heart if he will let me.
I can also love him with all I have. I've been in love with him the first time I saw him.
But it seems like he is miles away from me. I can't reach him.
Yun din siguro ang dahilan kung bakit wala pa akong boyfriend.
I think I am thinking that we will be possible.
Na posibleng maging kami. Yung hindi lang basta pangarap lang.
"Ellissa deserves a lot of love Tine. She is also worth loving." Sabi ni Julia.
"I know that Julz. Alam mo nagulat nga ako kanina nung sinabi ni Kuya na concerned daw siya kay Ate Ellissa. Ilang beses ko na ring nakita ang soft side ni Kuya pagdating kay Ate Ellissa." Sabi ni Tintin.
Weh? Kailan naman? Eh ang sungit nga sakin ng lalaking iyon.
Lagi nga akong sinisimangutan.Saan dun yung soft side?
Napagdesisyunan kong magmulat ng mata.
"ELLISSA! Gising ka na!" Hysterical na sigaw ni Julia.
"Couz, ang ingay mo." Sabi ko.
"Ate, pinag-alala mo kami. Sabi ko kasi sayo na ako nalang ang mag-aalaga kay Dave eh. You can focus in your work." Sabi ni Tintin.
"Oo nga, bruha ka talaga Ellissa!" Sabi ni Julia.
"Pasensya na guys. Gusto ko kasi talagang maalagaan si Dave." Sabi ko.
"Atsaka Ate, Kuya Clarence is so worried about you. He is so concerned." Confident na sabi ni Tintin.
Sakto namang bumukas ang pinto at bumungad si Boss.
"Ahm..Ate, kailangan k ng bumalik kay Dave. Sige, balik na lang ako mamaya. Ikaw na munang bahala sa kanya Kuya!" Sabi ni Tintin. Kokontra pa sana si Boss kaya nga lang ay nakalabas na ang makulit niyang kapatid.
"Ako rin. Kakatext lang sa akin ni Cleo. Kailangan ko muna siyang puntahan. Sige couz, Rence, alis muna ako." Sabi niya sabay alis.
Awkward. Napaka...as in..awkward...
"How are you?" Tanong niya.
"Ayos na po ako Boss. Nastressed lang." Sabi ko.
"Mabuti naman. I think you need to sleep again." Sabi niya.
Kakagising ko lang nga eh. Matutulog ulit?
"Sige, babalik na lang ako bukas. Wag ka munang bumalik sa opisina bukas. You need to take a rest. Kailangan malakas ka na kapag babalik ka sa trabaho." Sabi niya.
Concerned eh? Talaga ba?
Pumikit na lang ako uli. Dahil na rin siguro sa pagod pa rin ako ay agad akong nakatulog.
Nang magising ako ay nakita ko si Boss sa gilid ng kama. Tulog na siya actually.
Ano ba to?
Ellissa! Wag kang mag-assume!
Baka lalo akong mahulog sa kanya pag ganito...
Baka parehas kaming maging brokenhearted nito.
How can I heal him? If I think I need to heal myself too?
Ang complicated talaga ng pag-ibig. Nakakabaliw.
"Gising ka na pala." Sabi niya.
Hindi ko namalayan na natulala pala ako sa kisame.
"Ahm... Boss...bakit nandito pa kayo? Dapat po nagpapahinga na kayo sa bahay niyo. Ang dami pa namang trabaho sa opisina." Sabi ko sa kanya.
"I know. Papauwi na rin ako. Sige." Sabi niya at tumayo na.
Pagkalabas ni Boss ay bumangon ako. Pumunta ako sa comfort room.
Hindi ako pwedeng mainlove sa kanya. Delikado si Heart.
Kailangan kong pag-isipan to ng mabuti. Kung kailangan pigilan ay gagawin ko.
I can't hurt myself now.
Another chapter people!