"REALLY? NANLILIGAW SA IYO SI CLARENCE?" Tanong ng maganda kong SWEETIEPIE.
"Talaga ba Ate Lis? I am so happy.
Finally naman at natauhan na ang mabait kong Kuya." Sabi naman ni Christine.Nandito kami ngayon sa ospital. Pagdating ko ay agad kong sinabi iyon sa kanila.
"Ay, couzysweetie, bakit nga pala pumunta dito yung isa sa mga maids ng mga Mendez? Sabi niya, pinapunta daw siya ni Clarence dito para bantayan si Dave." Sabi niya.
"Ah....yun nga....ano....kasi-
"Ano ka ba naman Ellissa? Diretsuhin mo kasi." Naiinip na sabi ni Julia.
"Couz, diba madalas kitang tawaging Sweetiepie? Ay, minsan pala." Sabi ko. Tumango naman siya.
"Oh?"
"Natatandaan mo noong tinanong mo ako kung in love ba ako kay Boss? Yung araw kasi na iyon ay pumunta si Boss sa apartment-
"PINUNTAHAN KA NIYA?" Sabay na tanong ni Julia at Christine.
"Kailangan sabay kayo? So, ayun na nga. Pinuntahan niya ako. Napansin ko kasi na naiwan mo yung cellphone mo sa may sofa tapos may kumatok. Akala ko bumalik ka, kaya tinawag kitang Sweetiepie, kaya lang, si Boss pala yun. Tapos kanina, diba tumawag ako? Nagtanong kasi si Herea kung sino daw si Sweetiepie, ayun sasabihin ko sanang ikaw kaya lang biglang sumingit si Boss. Tinanong niya ako kung bakit tumatawag pa rin sakin yung Sweetiepie. Sinabi kong nagpasalamat lang ako kasi binabantaya nmo si Dave. Kaya ayun, sabi niya, papupuntahin niya dito yung isa sa mga maids nila. Hindi ko naman kasi masabi na ikaw si Sweetiepie, hindi niya kasi ako pinapatapos magsalita." Sabi ko.
"Kaya pala nandito kanina yung isa sa mga maids namin. Pinauwi ko na nga lang. Sabi ko kaya ko naman. Akala ko kasi ay pinadala yun dito ni Mom kasi worried siya sa akin. Tapos sabi niya, si kuya Clarence daw ang nagpapunta sa kanya." Sabi naman ni Tine.
"Grabe, ako talaga yung pinagselosan niya?" Sabi ni Julia.
"Nagseselos? Hindi naman siguro. Ayaw kong umasa. Alam niyo naman na masakit umasa sa wala. Nag-iingat lang ako." Sabi ko.
"Ate Lis, give my brother a chance to prove himself. Actually, binigyan mo na nga ng chance eh. Pinayagan mo siyang manligaw sayo. "Sabi ni Tine.
Nginitian ko lang siya.
"Alam niyo kasi....ano....crush ko kasi talaga siya....simula pa noong bata pa kami. Ang sungit niya lang kasi at di namamansin kaya ganun." Sabi ko.
"Yieeeeee! Ikaw ha g-
"What's going on?" Nagulat nalang kami ng biglang pumasok si Boss.
Namula naman ako ng bongga. Seriously? Narinig niya kaya?
"K-kanina ka pa K-kuya?" Nauutal na tanong ni Christine.
"Kakarating ko lang." Sagot niya.
Nakahinga naman kami ng maluwag.
"Wait- Erinne, bakit ka namumula?" Tanong niya sa akin.
"Ah....eh.....a...no..m-mainit kasi....oo! Yun nga! Mainit dito. He..he." Sabi ko.
Nagpipigil naman ng tawa si Julia.
"Masyado bang mainit dito?" Tanong niya.
"Hindi naman Kuya. Minsan lang. Gaya ngayon." Sabi ni Christine na halata rin na nagpipigil ng tawa.
"Siguro, ilipat nalang ng kwarto si Dave." Sabi niya.
Nagulantang naman kaming tatlo kaya napasigaw kami.