I love you too

136 3 0
                                    

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na magaling ka palang magluto?" Tanong niya sa akin habang kumakain ng niluto kong adobong manok.

Nung dinala ko siya sa apartment para ipagluto ay wala si Dave. Nag-iwan lang siya sa akin ng note na magkasama daw sila ni Christine. Kapag nagluto daw ako ay tirhan ko sila.

"Hindi kasi ako confident pagdating sa pagluluto eh." Sabi ko.

Hindi kasi ako sure kung aayon ba sa panlasa ng iba ang luto ko. Ako at si Dave lang kasi ang kumakain ng luto ko.

"Ilang taon ka nung matuto kang magluto?" Tanong niya.

"Hmmm? Mga six years old ako tinuruan. Mas natuto lang ako kasi tinuruan ako ng mga kasambahay niyo." Sagot ko.

"Ano pa ang kaya mong lutuin?" Tanong niya ulit. Kumakain pa rin siya eh.

"Kare-kare, sinigang, sisig, adobong baboy, tinolang manok at marami pang iba. Gumagawa rin ako ng desserts. Gusto mo ba gawan din kita minsan?" Sabi ko habang nakangiti.

"Like cupcakes?" Tanong niya.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Sige, next month, diba mag-oouting tayo kasama si Dave at Christine. Sasama din daw si Julianna at Cleo. Ewan ko lang kay Herea at Clyde. Baka pwedeng magbake ka ng cake. Chocolate Boss. Please." Sabi niya.

"Outing? Gusto ko yun! Kung sasama si Julianna at Christine, may makakatulong ako sa pagluluto at pagbebake. Kukumbinsihin ko si Herea. Sasama yun. Saan pala tayo?" Baling ko sa kanya.

"Nag-iisip pa ako ng magandang lugar eh." Sabi niya.

"Ganun ba? O siya, ubusin mo yan. Mayroon na akong itinabi para sa dalawa. Ubusin mo yan, dahil kung hindi, hindi na ako magluluto ulit para sa iyo." Sabi ko.

"Grabe naman yun Boss. Pasalamat ka talaga at mahal na mahal kita." Sabi niya habang kumakain pa rin.

Napangiti naman ako.

Araw-araw niyang sinasabi na mahal niya ako pero hindi ko pa nasasabi sa kanya yung tatlong salitang iyon.

Ewan ko ba. Everytime na sinasabi niyang mahal niya ako, hindi ko magawang sabihing mahal ko rin siya.

I really wanted to say 'I love you too'. Hindi ko alam na kahit mahal mo naman ang isang tao, nahihirapan ka pa ring sabihin sa kanya ang nararamdaman mo.

"Boss? Ayos ka lang? Anong iniisip mo?" Pukaw niya sa akin. Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako sa kanya.

"Huh? Ah eh ano....wala naman." Sabi ko.

"Tapos na akong kumain. Tara, may pupuntahan tayo." Sabi niya.

"Saan? Sandali, maghuhugas pa ako ng pinggan." Sabi ko.

"Basta, halika, tulungan na kita." Pagpresenta niya.

Tinulungan niya akong magligpit at maghugas ng mga ginamit naming pinggan.

Nang matapos kami ay nagbihis muna ako saka kami umalis.

Habang nasa sasakyan kami ay hindi ako mapakali. Saan ba kami pupunta?

"LOVEKO, saan ba tayo pupunta?" Hindi ko mapigilang itanong.

"Basta. Maganda yung lugar na iyon. Hindi kita nadala doon nung bumibisita ka sa bahay. Lagi ka kasing kinakausap nila Mommy, Tine at Grandma. Hindi kita masolo sa bahay. Ngayon, nasa London sina Mom and Dad. Magkasama naman si Dave at Tine. Si Grandma naman ay nasa Japan. This is the right time para ipakita ko sa iyo ang lugar na iyon." Sabi niya.

Heal his Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon