Danger

146 2 0
                                    

"You remember?" Naluluha kong sabi ng makita ko si Clarence.

"Ano ba namang tanong yan Boss? Makakalimutan ko ba naman ang isa sa mga espesyal na araw sa buhay ko?" Sabi niya sabay lapit sa akin.

Pagkalapit niya agad niya akong niyakap.

"Nakakainis ka! Masaya ako ngayon! Sobra! Mahal na mahal kita." Yun lang ang nasabi ko.

I heard him chuckled.

"Mahal na mahal din naman kita eh. Pero, talaga bang mahal mo ako?" Sabi niya.

"Ano ba namang tanong yan? Siyempre, mahal na mahal kita noon pa lang!" Sabi ko.

Hindi ko namalayan na natahimik ang paligid. Napansin ko lang nung hindi magsalita si Clarence.

Nung tinitigan ko siya ay nakita kong nakatulala lang siya.

"Oy! Anong nangyari? Bakit kayo biglang natahimik?" Tanong ko.

"M-mahal mo na ako, n-noon palang?" Nauutal na tanong niya.

Namula naman ako. Nasabi ko pala.

"Oo, noong nakita kitang pababa ng hagdan. Nung time na yun, first time ko nun sa mansiyon ninyo. Ang suplado mo nga eh. Inirapan mo pa ako." I confessed to him. To them.

Natawa naman silang lahat na mukhang nakabawi na sa pagkagulat.  Habang si Clarence naman ay hindi pa rin nakakabawi. Mukhang nasa state of shock pa rin siya.

"I didn't expect that." Sabi niya.

"Hindi ko rin nga inexpect eh. Ang sungit mo kaya. Eh ang ideal man ko ay mabait at masayahin. Tapos nainlove ako sa masungit na si Clarence. Well, masaya akong minahal at minamahal kita." Sabi ko sa kanya.

Napangiti naman siya at lalo akong niyakap ng mahigpit.

"Ano ba naman yan kuya, baka hindi makahinga si Ate Ellissa sa paraan ng pagkakayakap mo." Sabi ni Christine.

"Ang sabihin mo, nagugutom ka na Ate." Sabad naman ni Crayon.

"Manahimik nga kayo! Kitang nagmomoment ang Kuya niyo eh." Saway ni Mama Cele sa dalawa.

Natawa naman kaming lahat pwera lang sa dalawa.

"Boss, I am so happy na umabot na tayo ng one month. Alam kong maikling panahon pa lang yun pero kung tutuusin ay matagal ka ng parte ng buhay ko. Hindi man tayo pinagbigyan noon, sisiguraduhin ko na ngayon na ang tamang pagkakataon. Alam kong maraming pagsubok pero handa akong harapin yun lahat basta kasama kita. Wag kang mag-alala, hindi ako magpapakasal sa iba. Kung hindi lang rin naman ikaw, hindi na lang ako magpapakasal. I only imagine my life being with you. I am not perfect but I will do everything to make you happy. You healed me Boss. I am so broken. Then you came. You bring light into my world succumb in darkness. You heal me." Sabi niya.

"Ang corny naman nun." Natatawa kong sabi. Natawa rin ang iba.

"Ang sabi ko noon, kapag nasaktan ka sa pag-ibig, nalulugmok ka. Pero naisip ko kasi, bakit naman ako magmumokmok? Ilang beses na akong nasaktan ng pag-ibig kahit di pa ako nagkaboyfriend. Iba iba naman kasi ang pag-ibig. Noong nalaman ko na in love ako sa iyo, natakot ako. Sa dami ng lalaki sa mundo, bakit ikaw? Na in love ako sa taong hindi ako pansin. Hindi alam ang existence ko. Tapos nagkagirlfriend ka, yun yata ang isa sa mga heartbreak ko. Alam ko na wala akong karapatan pero masakit kasi eh. I focus myself in studying. Na baka makalimutan din kita pero gaya mo, hindi kita nagawang kalimutan." Sabi ko.

"Ayieeeee! Kinikilig ako! Enebe!" Narinig kong sabi ni Julia. Natawa naman sa kanya ang lahat.

"Kung alam ko lang na mutual pala kayo ni Clarence ay pinayagan ko siyang ligawan ka noon." Sabi ni Daddy Bernard.

"Siguro po ay nakatadhana talagang mangyari iyon. It is a sign saying that it is not the right time yet. Maybe, now is time." Sabi ko.

"Kaya nga. Maybe maturity lang ang hinihintay." Sabi naman ni Clarence.

"I love you LOVEKO." Sabi ko.

"I love you more Boss." Sabi niya naman.

That day ends with a smile.

Ang saya ng araw na iyon. Nang matapos ang speech namin ni Clarence sa isa't isa ay agad kaming nagkaroon ng salo-salo.

Ngayon, balik sa trabaho. Kaya pala walang pasok kahapon kasi monthsary namin. Ewan ko ba diyan kay Clarence, ang daming pakulo.

Dahil doon ako natulog kagabi sa mansiyon nila, sabay kaming pumasok sa trabaho.

Lunch time na at nagugutom na ako pero dahil mahal ko siya ay magtitiis ako at hihintayin ko siya.
Nababaliw na yata ako.

May meeting kasi siya ngayon kasama ang mga bagong investors. Si Herea ang isinamang secretary dahil ayaw niya daw na mabored ako dun. Baka mastressed ako sa sobrang pagkabored.

Masyado siyang concern.

Ilang minuto pa akong naghintay bago siya dumating.

"Boss, pasensya na natagalan. Ang dami kasi naming pinag-usapan." Paliwanag nito.

"Ano ka ba, ayos lang yun. Tara, lunch na tayo." Pag-aya ko sa kanya.

Pero hindi siya gumalaw.

"Oy! Tara na!" Sabi ko ulit.

"Boss, magpapadeliver lang tayo. Delikado kung lalabas tayo." Sabi niya.

Saka lang ako natauhan. Nakalimutan ko yata na nanganganib ang buhay ko.

Naging extra careful na kasi kami. Kagabi kasi ay muli akong nakatanggap ng death threat.

Nakakatakot yun. Buti nga lang at tulog na si Christine kaya hindi niya alam. Kinausap lang ako ni Clarence.

Naging doble na rin ang security sa buong bahay. Maging sa buong opisina ay nagdagdagang security.

Medyo confused nga ang ibang empleyado. Pero hindi na sila nagtanong.

Si Herea naman ay mayroon na palang alam. Siya din daw ay nakakatanggap ng mga banta sa buhay.

Saka ko lang napagtanto na  may gustong gumanti sa pamilyang Mendez.

"Ah...oo nga pala. Nasanay lang." Sabi ko.

Niyakap niya naman ako.

"Don't worry Erinne. Aayusin ko ang lahat ng ito para magkaroon tayo ng normal na buhay. Gusto kong ibalik ang mapayapang buhay na nakasanayan mo." Sabi niya.

"Clarence, di mo naman kailangan ibalik. Sapat na sa akin na magkasama tayo. Lalaban tayo ng magkasama." Sabi ko sa kanya.

"Wala naman akong balak na pakawalan ka eh. Mahal na mahal kita." Sabi niya.

"I love you too." Sabi ko.

Nagpadeliver na lang kami ng lunch. Sabay kaming kumain at pagkatapos ay balik sa trabaho.

Busy ako sa pagbabasa ng mga papeles ng may mapansin akong kakaibang papel. Kulay pula ito.

Ano to? Hindi ko matandaan na nandito to?

Binuklat ko ito. Nakaramdam ako ng takot ng mabasa ko ito.

'Are you happy now? Cherish it 'cuz it won't last. Walang liligaya! I will bring them down. Unahin kaya kita? Mukha kasing mahal na mahal ka ng panganay ni Bernard. See you soon...

-LR

Nanginig naman ako. Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha ko. Natakot ako ng sobra sa simpleng sulat na nabasa ko.

"Ellissa? Anong nangyayari?" I can hear Herea's voice but it is not clear. I was consumed by fear. Alam kong nanginginig ako.

"Sir Clarence!" Narinig kong sigaw ni Herea.

Sino to? Bakit niya gustong pabagsakin ang mga Mendez?

Sumasakit na ang ulo ko.

Maya-maya ay naramdaman ko na lang na binuhat ako. Nawalan na ako ng malay. Hindi ko na alam ang gagawin.


Another update to all! Thank you sa lahat ng sumuporta sa story ko na Married to Mr. Playboy. Thank you rin sa mga sumusuporta sa istoryang ito. Patuloy niyo po sanang suportahan ang mga stories ko. Salamat po. This is one of the best Christmas Gift I have received. Thank you very much.

Heal his Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon