Ilang buwan na rin ang lumipas pero hindi pa rin kami bumabalik sa Manila.
Napagdesisyonan nila na dito muna mamalagi bago bumalik doon.
"Ate, gusto mong manood ng tv? O maghahapunan ka muna?" Tanong ni Tin.
"Dito muna ako. Hindi pa naman ako gutom eh." Sabi ko.
"Sige ate, ikaw ang bahala." Sabi naman nito saka umalis.
Pupunta siguro sa kusina para kumain. Malakas kasi kumain ang batang iyon. Hindi naman tumataba.
Habang nanonood ako ay hindi ko inaasahang magagawi ang paningin ko sa mga nakahilerang magazines sa bookshelf.
Hindi ko alam kung bakit pero agad akong tumayo at pumunta doon. Nakikita ko kasi yung mga cover dahil nakaharap ito. Napadako anv tingin ko sa isang magazine.
"Clarence Christian Mendez." Sambit ko sa pangalan ng lalaking nasa cover page.
His name....it is so familiar....hindi ko alam kung bakit.
Hindi kaya, kilala ko siya? Paano kung hindi niya ako kilala? Sabagay, sikat siya. Malamang kilala ko siya.
"Kilala mo siya ate?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Tin.
"Siguro. Mukha siyang pamilyar sa akin eh." Sabi ko.
"Nakita mo ba yung bagong resort na itatayo nung nagpunta tayo sa isa sa mga property ng family ko?" Tanong niya.
"Oo, doon sa Manila. Yung katabi ng property niyo. Bakit mo natanong?" Sabi ko.
"Isa kasi ang family namin sa mga investors ng resort na iyon. At yang si Clarence ang namamahala sa resort na iyon. Actually, bibisita nga siya dito bukas. Para sa business." Sabi ni Tin.
Tumango lang ako.
"Sana isama niya si Ate Christine. Namimiss ko na ang babaeng iyon eh." Sabi niya.
"Christine?" Tanong ko.
"Yung kapatid niya. Ang bait ng babaeng iyon eh. Ah, ate, balak ko sanang magshopping. Baka dalhin niya si Crayon eh. Ang pogi din nun!" Sabi pa niya habang humahagikhik.
"Alam mo ikaw talaga. Saka diba, business iyon? Di baka siya lang ang pupunta?" Tanong ko.
"Hindi. Lagi niyang sinasama si Tine. Gusto kasi ni Ate Tine na maglibot. Baka daw makita niya daw si Ellissa. Ang nawawalang girlfriend ng kuya niya." Sabi niya.
"May nawawalang girlfriend iyong Clarence?" Tanong ko.
"Oo, ilang buwan na ang nakakalipas. Naaksidente daw kasi sila. Halos magwala nga daw si Clarence nung malaman niyang nawawala yung girlfriend niya eh. Hindi ko pa nga nakikita yung Ellissa eh. Kahit sa picture hindi ko manlang nakita ang mukha niya pero alam kong maganda siya. Feel ko lang." Sabi niya.
Nakakalungkot naman pala. Sana mahanap niya na ang girlfriend niya.
"Ano ate? Sama ka?" Tanong niya ulit.
Magsasalita pa sana ako nung bigla nalang magsalita si Mommy Ellise.
"Wag na kayong umalis. Gabi na. Tanghali pa naman darating sina Clarence. Bukas ka na lang magshopping Tin." Sabi nito.
Wala namang nagawa si Tin. Kailangan niyang sumunod.
"Okay Mommy." Sabi niya.
Napangiti naman kami ni Mommy Ellisse. Hindi ko alam pero everytime na binabanggit ko ang pangalan niya ay para itong pamilyar sa akin.
10:00 P.M. na at hindi pa ako nakakatulog. Hindi ko alam kung bakit.
Nakakainis na nga eh! Kanina pa ako nakahiga dito pero hindi ko magawang makatulog.
"Ate...hindi ka makatulog?" Tanong ni Tin.
Nagulat naman ako kasi akala ko tulog na siya.
"Hindi eh. Naistorbo ba kita?" Tanong ko.
"Hindi naman po. Hindi nga rin ako makatulog eh." Sabi niya naman.
"Bakit hindi ka makatulog?" Tanong ko sa kanya.
"Excited kasi ako para bukas." Sabi niya.
"Talaga lang ha? Sige na, matulog ka na para maganda ka bukas." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya.
Ilang minuto pa ang muling lumipas bago ko maramadaman ang antok.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay agad akong napapikit. Nasilaw sa ilaw na nanggagaling sa bintana.
Umaga na? Lumingon ako sa puwesto ni Tin. Napansin kong wala na siya doon.
Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang na bumukas ang pinto.
"Ate, bangon na. Breakfast is ready." Sabi niya.
Tumango naman ako at unti-unting bumabangon sa kinahihigaan.
Pagdating ko sa kusina ay nakita ko Mommy Ellisse na tapos na sa paghahanda ng agahan.
"Erinne, halika na. Kumain na tayo!" Sabi niya sa akin.
"Sige po." Sabi ko at umupo na.
Pagkatapos naming kumain ay agad akong naligo at nagbihis dahil nga pupunta kami ngayon sa mall. Ewan ko ba dun sa batang yun, ang dami niya namang mga damit. Mga maganda pa naman yung mga yun at mukhang bagong bili pero heto at bibili na naman siya ng bago. Sabagay, mayaman siya eh.
Hindi ko alam pero hindi ako sanay sa marangayang buhay. Siguro simple lang ang buhay na kinagisnan ko. Pero bakit nasa kotse ako nung matagpuan nila?
Ewan, sumasakit lang yung ulo ko sa tuwing pinipilit kong alalahanin ang mga bagay-bagay.
Tuloy pa rin yung check-uo at therapy sa akin. Hindi ko alam kung mayroon na bang improvement pero feeling ko ay wala naman. Hindi ko pa rin kilala kung sino ako. Kahit ano, wala. Tanging ang boses lang ng pamilyar na lalaki ang natatandaan ko.
Erinne...hindi nga ako sigurado kung iyon talaga ang pangalan ko eh.
"Ate! Tapos ka na? Halika na!" Narinig kong sigaw ni Tin sa baba.
Masyadong excited talaga ang batang iyon.
Nang makababa na ako ay napansin kung nakatingin si Tin sa labas ng pinto.
"K-kuya Clarence, napaaga yata kayo?" Sabi ni Tin.
Hindi muna ako bumaba. Nandito na agad sila? Akala ko mamaya pa?
"Nagkaroon kasi ako ng meeting dito kahapon kaya naisipan kong dumaan na ng mas maaga dito." Sabi nung lalaki. Hindi ko pa siya nakikita dahil nasa labas pa rin sila.
His voice...it sounds so familiar?
"Ay naku, pasok kayo!" Sabi ni Mommy Ellisse.
"Tita Elli, I miss you po!" Masiglang bati ng isang babae.
Nung makita ko silang tatlo, oo, tatlo sila. Gaya ng sabi ni Tin.
They look so familiar.... Sumasakit ang ulo ko.
Napahawak ako sa ulo ko. Sobrang sakit.
"Erinne! Iha! Bumaba ka na!" Sigaw ni Mommy.
Hindi ako bumaba. Nanghihina ako. Hindi ako makahakbang.
"Sandali lang ha. Pupuntahan ko lang siya." Narinig kong sabi niya.
Napaupo na lang ako sa may hagdan.
"Erinne- anong nangyayari sa iyo? Masakit ba ang ulo mo? Tin! Kunin mo ang gamot!" Sabi niya.
Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ako.
"Bakit Mommy?" Tanong ni Tin.
I heard footsteps. The last thing I heard before I fell asleep was...
"Erinne...."
Bitin ba yan?
I know. Natagalan ang update. Busy kasi. Ang daming kailangan ipasa....hahaha... But, I am happy na nakapag-update ako. Enjoy this...
![](https://img.wattpad.com/cover/167359681-288-k649135.jpg)