Clarence's ways

180 4 0
                                    

Gabi na ng matapos ang date namin ni boss. Hinatid niya pa ako sa apartment ko at nakipagkwentuhan kay Aling Lily bago umuwi. Nagkataon kasi na nandito si Aling Lily. Madalas kasi siyang nasa probinsiya.

"Kyaaaah!" Sigaw ko habang nagpapagulong-gulong ako sa kama. Sobra akong kinikilig sa nangyari. Ikaw ba naman ligawan ng lalaking nagugustuhan mo? Di ka matutuwa?

"Ano ba! Patulugin mo na ako. May trabaho pa ako bukas!" Sabi ko.
Naalala ko bigla yung sabi niyang kapag nasa opisina ay propesyonal lang.

Ilang ulit pa akong nagpabaling-baling hanggang sa nakatulog na ako.

Kinaumagahan ay para akong lasing na naglalakad papuntang banyo. Nang makarating ako doon ay agad kong inayos ang sarili ko.

Nagluto ako ng breakfast at kumain. Pagkatapos nun ay agad na akong umalis.

Pagdating ko sa opisina ay nakita ko si Herea na nakatingin sa pinto ng opisina ni Boss.

"Herea, anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ba obvious girl? Nakaupo." Sarcastic niyang sagot.

"Herea naman eh!" Sabi ko.

Natawa naman siya sa naging reaksiyon ko.

"Ang weird kasi ni Sir. ngayon. Alam mo ba na abot tenga ang ngiti niya kanina? Take note girl, mas maaga pa siya sa akin. Alam mo naman na early bird ako diba? Pero kanina, mas early bird si Sir. Sabihin mo nga sa akin, ano yung date? Bakit kayo nagdate? Alam kong wala akong karapatang magtanong pero kailangan kong malaman." Sabi niya.

"Ano sa tingin mo?" Tanong ko.

"Hmmm? Let's find out." Sabi niya.

Nginitian ko lang siya at pumunta na sa desk ko.

Masaya siya? Bakit kaya?

Dahil kaya sa date namin kahapon?

Wag assuming teh! Baka nakipagbalikan na sa kanya si Elaine! Ay, ang bitter ko. Super.

Maya-maya pa ay lumabas na si Boss ng opisina niya. Hindi ko siya tinignan. Wala lang trip ko lang.

Ang sabi niya, kapag nasa opisina, Boss ko siya, secretary niya ako.

"Miss Rios, my schedule." Sabi niya sa pormal na tono.

Tinignan ko muna siya bago sumagot.

"Wala pa po Boss. Wala po kayong mga appointments ngayon. Siguro po mamaya pa." Sagot ko naman.

"Ganun ba? How about Miss Montello, my schedule?" Baling niya kay Herea.

"Ahm...wala rin po Sir." Sabi ni Herea na medyo naguguluhan sa pagbabago ng aura ni Boss.

"Okay. Aalis muna ako. Tawagan niyo na lang ako kapag mayroon akong meeting." Sabi niya saka umalis.

Mukhang pinanindigan niya ang sinabi niya sa akin ah.

"Anong nangyayari sa kanya? What  is going on?" Sabi niya sa sarili niya.

Yes po. Kinakausap niya po ang sarili niya.

Bakit kaya umalis yun? Baka nakalimutan niyang nililigawan niya ako?

Baka nga. Matawagan nga si Julia.

Ilang ring lang at sumagot na siya.

"Sweetiepie, kamusta? Nandyan ka ba kay Dave ngayon?" Tanong ko.

Ilang linggo na si Dave sa ospital. Hindi pa siya gumagaling. Christine, siya yung palaging nagbabantay sa kanya.

I know it is hard for her but, she can't leave Dave. She loves him so much.

Heal his Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon