The Boss

235 2 0
                                    

Napatingin ako sa kanya.

"Ma'am, what do you mean?" Naguguluhan kong tanong.

"Ate Lis, she wants you to make Kuya Clarence fall for you." Sabi naman ni Christine.

"Pero, Clarence is....ahm... I don't know how to say this..."

"Iha, I know what you're thinking. Clarence is a good man. You just have to make him realized it." Sabi ni Mrs. Mendez.

"Ahm... I will try Tita. But I can't promise anything." Sabi ko agad.

"Please iha, just try. Thank you."

Nag-usap pa kami ng ilang minuto pagkatapos ay umalis na sila.

Umuwi na rin si Julianna habang ako naman ay naghanda na.

Sana hindi masyadong mainit ang ulo ni Clarence bukas.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Ayokong malate sa trabaho ko noh. Masungit pa naman angbago kong boss.

Pagdating ko sa opisina ay sinenyasan ako ni Herea na pumasok na sa office ni Clarence.

Kumatok muna ako at hinintay na sabihin niyang pwede na akong pumasok.

"Pasok!" Sabi niya sa iritadong boses.

Shocks, mukhang wala siya sa mood.

Pinihit ko ang doorknob at dahan dahang naglakad palapit sa kanya.

"Ahm...Sir... I-

"You are my new secretary. Am I right Ellissa?" Sabi niya na hindi tumitingin sa akin.

"Yes, sir." Sabi ko naman.

"Well, good luck to you Miss Rios. I am a ruthless man. From now on, don't call me Sir, it's Boss Ellissa, call me Boss." Seryoso niyang sabi.

"Yes Si- I mean Boss." Kinakabahan kong sabi.

"Now, get out. Tatawagin na lang kita kung may kailangan ako." Sabi niya.

"Yes Boss."

Agad akong lumabas ng opisina niya. Naupo naman ako sa desk ko. Malapit lang yun sa office ni Boss.

Napatingin ako sa mga papeles na kailangan kong pag-aralan. Ang dami naman.

Mukhang gabi na ako makakauwi nito mamaya. Hindi ko rin alam kung makakapaglunch ako nito.

Sinimulan ko ng basahin ang mga papeles....

"Miss Rios?" Nagulat nalang ako ng marinig ko ang boses ni Clarence.

"Boss? May kailangan po kayo?" Tanong ko.

Tinitigan niya lang ako.

"It's lunch time now Ellissa. Hindi ka pa ba maglulunch?" Malumanay niyang tanong.

Medyo nagulat pa ako sa tonong ginamit niya. It's gentle.

"Ah...mamaya pa po ako kakain. Kailangan ko pa o kasing tapusing basahin lahat ng ito." Sabi ko sabay turo sa mga papeles.

"Come on, sumama ka sa akin."

"Po?" Tanong ko naman.

"You're my secretary right?"
Tanong niya.

"Yes Boss."

"Come with me." Sabi niya.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Clarence Christian Mendez is indeed bossy and ruthless.

Sinamahan ko lang naman si Boss sa restaurant na madalas niyang pinupuntahan.

Mamahalin yun. Lahat yata ng pagkain dun ay sobrang mahal.

Kumain lang kami dun at bumalik na sa office.

Napilitan tuloy akong gumastos.

Pagkabalik namin ay balik trabaho naman ako.

Napatigil ako sa pagbabasa ng may tumawag sa akin.

Sweetiepie Calling....

"Sweetiepie Couz?" Sabi ko pagkasagot ko ng tawag.

(Cou-couz...ano kasi...)

"Julianna, ano? Please naman, sabihin mo na." Pakiusap ko sa kanya.

(Si...si Dave...isinugod namin sa ospital. Couz, malala ang kalagayan ni Dave...)

Nasapo ko nalang ang bibig ko para pigilan ang aking paghikbi.

Si Dave? Nasa ospital? Akala ko ayos na siya....akala ko...

Hindi ko napigilang mapaluha.

"Alam ba nila sa probinsiya?" Tanong ko.

(Hindi ko pa nasasabi couz. Kasama ko nga pala si Tine. Siya yung kasama ni Dave nung bigla itong magcollapse.)

Dave...lumaban ka...nandito pang si ate.

Sa edad na 18 ay masayahin naman siya. Hindi niya na nga alintana ang sakit niya eh.

Magdedesisyon sana akong pumunta sa ospital ng maalala ko si Boss.

Kailangan kong magpaalam kay Clarence.

Kumatok ako sa pintuan ng office niya.

"Boss?"

"Come in."

Pagkapasok ko ay agad siyang nagsalita.

"What do you want Ellissa?" Tanong niya.

"Boss...pwede ba akong umalis? Kahit ilang oras lang ako tapos babalik din ako kaagad."

"Saan ka naman pupunta?" Tanong niya.

"Sa ospital po. Pupuntahan ko si-

"Dave? Go, bumalik ka agad." Sabi niya.

Dali-dali naman akong nagpaalam at lumabas na.

Pagdating ko sa ospital ay hinanap ko kaagad ang kwarto ni Dave.

Nang mahanap ko ay naabutan ko sina Julia at Christine na nakaupo sa mahabang sofa.

"Ate..." Tawag sa akin ni Christine.

Agad akng lumapit sa kanya at yinakap siya.

Alam kong boyfriend ni Christine si Dave. Matagal ko ng napapansin iyon pero hindi na ako nagsalita pa.

"Couz, buti naman at pumayag si Clarence na umalis ka." Sabi ni Julia.

"Oo nga sweetiepie eh. Akala ko nga ay di siya papayag. Couz, pwede bang ikaw muna ang bahala kay Dave? Babalik kasi ako kaagad sa kompanya. Gabi pa ako makakapunta uli dito." Pakiusap ko.

Bago pa man makapagsalita si Julia ay nagsalita na si Christine.

"Ako na ang bahala kay Dave...ako na ang magbabantay sa kanya Ate. Hinihintay ni Kuya Cleo si Julia." Sabi niya.

Tumango na lang ako sa kanya.

"Sige, babalik ako kaagad." Sabi ko.

Nilapitan ko muna si Dave. Maputla siya.

Dave...andito lang si Ate...

Umalis na ako at bumalik agad sa opisina.

Pagdating ko ay sakto namang lumabas si Boss.

"Nandito ka na pala Miss Rios. May meeting ako ngayon. Halika na." Sabi niya.

Tumango lang ako sa kanya.

Sakto lang pala ang dating ko.





Another chapter!

I am currently editing some chapters!

Heal his Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon