Lost

142 2 0
                                    

I can feel my head spinning and it hurts! It's excrutiating! Gusto kong sumigaw pero walang salitang gustong lumabas at hindi ko maibuka ang bibig ko.

I can't move my whole body. I can't open my eyes nor move my finger. All I can feel is pain. My head is throbbing.

My mind is in chaos. What happened to me? Bakit ang sakit ng katawan ko? I feel so weak.

"E-erinne...no!"

Halos mapasigaw ako sa sakit. What was that? Sino yun?

A familiar voice of a man. Hindi ko lang mapangalanan. Ang sakit ng buo kong katawan.

Ano ba kasing nangyari? Where am I?

I tried moving my fingers again. I try again and again. Until I can finally move it.

"Mom! Her fingers moves! Gumalaw ang daliri niya Mom!" Sigaw ng isang babae.

Hindi pamilyar ang boses niya. Hindi ko siya kilala.

Iminulat ko ang mga mata ko.

I was greeted by an unfamiliar room. I think, I am in a hospital.

Napatingin ako sa babae. She looks so young.

"Ate, naririnig mo ako? Finally, you're awake!" Saad nito.

Maya-maya pa ay may pumasok na lalaking nakaputi na sa palagay ko'y Doctor.

He examined me, kinausap niya ang babae. May ilan din siyang katanungan na sinasagot ko lang ng iling at tango.

I can't speak. Ang sakit ng katawan ko.

"Miss, do you know who you are?" Tanong ng doctor.

Nagulat ako sa tanong na yun at napaisip.

Sino ako?

Hindi ko alam kung sino ako! Hindi ko alam ang pangalan ko!

Umiling lang ako.

"May Amnesia siya Doc?" Tanong ng babae.

"Yes, it is caused by a head injury.  Malala ang injury na natamo ng ulo niya."
Sabi ng doktor.

"Makakaalala pa ba siya Doc?" Tanong ng isa pang babae. Ngayon ko lang siya napansin.

Siya siguro ang tinatawag ng batang babae kanina.

"Let's hope. We will continue monitoring her condition until we see improvements. Let's hope and pray." Sabi ng doktor.

Tumango lang ang dalawang babae. Lumabas naman ang doktor pagkalipas ng ilang minuto.

"S-sino...k-kayo?" Tanong ko sa namamaos na boses.

Napatingin naman sila sa akin.

"Hindi mo kami kilala iha. Hindi ka rin namin kilala. Natagpuan lang namin ang sugatan mong katawan sa may cliff. Sa loob ng kotse. Hindi namin alam kung may kasama ka kasi masyadong madilim gabi na kasi nun. May tama ka ng baril sa likod. Pero wag kang mag-alala, hindi iyon malala. Dalawang buwan ka ng tulog iha. Wala man lang kaming mapagkuhanan ng impormasyon tungkol sa iyo." Sabi ng matandang babae.

"Ngayong may amnesia ka, mas lalo tayong mahihirapang humanap ng impormasyon. Kahit pangalan mo hindi namin alam." Sabi ng babae. Halatang nag-aalala ito.

"Hindi ko rin kilala ang sarili ko eh." Sabi ko.

"Magpahinga ka muna iha. Kami na ang bahala sa iyo." Sabi nito.

"Salamat po." Sabi ko at ipinikit na ang mga mata ko.

"E-erinne...no...no!" Sigaw ng isang lalaki. Pamilyar ang boses na iyon. Hindi ko lang siya mamukhaan. Umiiyak siya. Nagsasalita pero hindi ko maintindihan.

Heal his Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon