Endearment

158 2 0
                                    

Ito yung unang linggo ng pagiging official namin ni LOVEKO. Yes, LOVEKO na yung tawag ko sa kanya. Ayaw niyang pumayag na Boss ang itatawag ko sa kanya. Endearment daw.

Mas gusto niya nga daw na tawagin ko siyang honey, sweetheart, my love, mahal ko, boyfie, etc,.

Ang dami naman kasing alam nitong BOYFRIEND KO.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na siya. Ewan ko ba. Minsan nga tinatawag ko pa rin siyang Boss. Nasanay na rin naman ako.

Nung araw na naging official kami ay ang saya-saya nila. Si Christine tumatalon-talon pa. Si Julia naman halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap noya sa akin. Si Tita naman halos maluha. Ang saya-saya din ni Tito.

Masaya daw silang ako ang girlfriend ni Clarence.

Sabi pa nga ni Tita, kung hindi daw ako ang papakasalan ni Clarence ay hindi siya aatend. Na sinang-ayunan naman ni Tito at ng dalawang babae.

Si Dave naman, nirequest na makausap si Clarence ng masinsinan. Ang tagal nga nilang nag-usap eh.

Nung lumabas na si Clarence ay tinanong ko siya kung ano ang sinabi ni Dave, pero ayaw niyang sabihin.

Yun din yung araw na nadischarge na si Dave. Kaya ang saya-saya ko.

"Ellissa!" Nagulat naman ako nung bigla nalang akong tapikin ni Herea.

"Huh?" Nasabi ko na lang.

"Kanina pa kita tinatawag. Pinapapunta ka ni Sir sa office niya. Grabe maka-daydream ah." Sabi niya na nakangiti.

Nginitian ko lang siya. After kasing mag-usap ni Clyde at ni Herea ay bumalik naman kaagad si Herea. Naabutan niya pa nga nung sinabi ni Clarence na official na kami.

Hindi ko man alam ang pinag-usapan nila pero alam kong naging maayos naman ng........konti?

Siguro.....hindi ako sure. Hindi niya na rin tinuloy ang pagfile ng leave. Araw-araw din na pumupunta dito si Clyde. Kung dati ay yung isa kung co-worker ang binibigyan niya, ngayon naman ay si Herea na. Ang sweet nga eh.

Sweet din naman yung LOVEKO ah! Araw-araw may chocolate, flowers,pick-up line, sweet messages and most of all, 'I love you'.

Never niyang nakalimutan nasabihin ang tatkong salita na yan. Minsan nga sa tagalog, korean, japanese at iba't iba pang language.

"Ellissa! Nagdaydream ka na naman!" Sabi ni Herea.

"Ay, pasensya na. Sige na, pupuntahan ko na siya." Sabi ko.

Agad akong tumayo para pumunta kay Clarence.

Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakita ko siyang nakatutok sa laptop niya. Masyado siyang seryoso na pati pagpasok ko ay di niya napansin.

Tumikhim naman ako para kunin ang atemsiyon niya.

"Excuse me." Sabi ko.

"You're here.... Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita pinatawag ah." Seryoso niyang sabi. Pinanindigan kasi namin na kailangan na kapag nasa opisina kami ay professional ang pakikitungo sa isa't isa.

"Pasensya na, hindi ko narinig eh." Sabi ko.

Napabuntong-hininga naman siya.

"Seriously? Do we really need to be like this everytime we are here? Di ba pwedeng mag-act tayo as couple? I really wanted to hug you." Sabi niya. Napangiti naman ako.

Para kasi siyang bata na hindi binilhan ng laruan.

"Clarence, we talk about this right? Pumayag ka naman diba?"
Sabi ko.

Heal his Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon