Erinne's POV
Ilang oras lang ang hinintay ko bago dumating si Clarence. Agad niya akong niyakap ng napakahigpit.
Mayroon pa siyang mga kasama. Hindi ko nga lang sila kilala. Alam kong alam ko kung sino sila. Hindi ko lang talaga maalala.
"I am so glad you are alive Ellissa. Grabe ang pag-aalala ko sa'yo iha. Papunta na rin dito ang parents mo. Alam kong hindi mo ako maalala. I am Celestine Mendez. Clarence's mother." Pagpapakilala ng magandang babae.
Napangiti naman ako. Ang ganda ng Mommy ni Clarence.
******************
"Please, heal my son's broken heart." She said with pleading eyes.
******************Bigla na namang may pumasok na pangyayari sa utak ko habang nakatingin ako sa kanya.
"Hahanapin namin ang taong may gawa nito. Halos mabaliw ang anak ko nang malaman niyang hindi ka namin nailigtas. Bernard Mendez iha." Sabi naman ng lalaki. Siya yun!
"Nice you po. Pasensya na po talaga at hindi ko kayo maalala. I will try my best po-
"No darling! You should not push yourself. Hayaan mong tadhana na ang magpaaalala sa iyo." Saad ni Ma'am Celestine.
Napatango nalang ako.
"Ellisse, mas makakabuti siguro kung doon na lang muna kayo ng anak mo sa mansiyon. Mas safe kayo doon. We owe you a lot. Ayaw naming mapahamak kayo." Baling ni Sir Bernard kay Mommy Ellisse.
"Alam niyo na po ba kung sino ang misteryosong LR na iyon?" Tanong ni Tin.
Napaupo naman kaming lahat ng maayos. Nandito kami ngayon sa dining area.
"May lead na kami pero patukoy pa rin sa pagtukoy. Maraming pwedeng sabihing kaaway pero hindi naman siguro kayang gumawa ng ganun. We can't judge people easily. We need proof. Matibay na ebidensiyang nagpapatunay. Kailangan na rin nating makaalis dito at makabalik agad sa mansiyon. Kung alam na nilang buhay si Ellissa, mas delikado ang buhay niya. Kailangan nating mag-ingat." Saad ni Sir Bernard.
"Handa po kaming sumama sa inyo. Tutulong po kami. We want to help ate Erinne and your family." Sabi ni Tin.
"I appreciate all of this Ellisse. Napakabuti niyo." Sabi naman ni Ma'am Celestine.
Napangiti naman si Mommy Ellisse.
"Napakabuti niyo rin naman sa amin. We are willing to help, anytime. Itong si Erinne,napakabait na bata nito." Pagmamalaki niya.
"Sinabi mo pa. Kaya nga mahal na mahal yan ni Clarence eh." Dagdag pa ni Ma'am Celestine.
Namula naman ako ng bongga dahil sa sinabi nila. Napahalakhak naman ang iba.
Grabe sila ah.
Ilang minuto pa kaming nag-usap baho namin napag-desisyunan na mag-impake na ng mga gamit.
Tama sila. We are no longer safe in this place. Baka mas safe sa mansiyon. For sure mahigpit ang security doon.
Habang nag-iimpake ako ay biglang pumasok si Clarence.
"Guato mong tulungan kita?" Tanong niya. Umiling naman ako.
"Kaya ko na." Sagot ko. Namayani ang nakakabinging katahimikan sa amin. Medyo may awkwardness pa kasi.
"Ahm..LOVEKO...yun ba ang tawag ko sa'yo?" Napatingin naman siya sa akin.
Nanlalaki ang mga mata.
"You remember?" Mangha niyang tanong na sinagot ko lamang ng marahang tanong.
So, it's not just a dream. It was real.
"LOVEKO..." Nasambit ko ulit iyon. Bigla naman niya akong nilapitan at niyakap.
"I love the way you say that endearment. I love you so much Boss." Sabi niya.
"I love you too....LOVEKO." Sabi ko at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya.
Ilang minuto pa ang lumipas at handa na kaming lahat.
Dali-dali na kaming sumakay sa kotse. Sa kotse ni Clarence ako pinasakay. Hindi na daw pupunta yung parents ko dito dahil doon na lang daw sila sa Maynila maghihintay.
Ngayon ko lang napansin na marami pala kaming kasamang bodyguards. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga bodyguards. Baka kasi mamaya may espiya pala sa kanila.
Napansin yata ni Clarence ang pagkabalisa ko.
"What's wrong?" Tanong niya sa akin.
"Iniisip ko lang, loyal ba lahat ng bodyguards niyo?" Tanong ko rin.
"Sinigurado namin yan lahat. Ayaw kong mangyari ulit yung dati na may espiya sa mga guards." Sabi niya.
So, may espiya talaga? Kaya pala. Baka nagkaroon ako ng phobia.
Nang makarating kami sa aming destinasyon ay nakita ko ang isang private plane.
Wow. As in super wow.
Sumakay na kami sa plane at nakatulog naman agad ako. Napapagod pa rin kasi ako. Ang daming nangyari.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog. Basta nang magising ako ay nakahiga na ako sa malambot na kama.
Napabangon naman ako. Nasa mansiyon na ako? Dali-dali akong tumayo at lumabas ng kwarto.
Nakita ko naman silang lahat sa sala. May pinag-uusapan. Rinig ko naman mula rito ang pinag-uusapan nila.
"Alam na namin kung sino si LR. Siya si Lidia Red. Bunsong anak ni Anton Red. Si Anton ay anak ni Don Martin Red. Ang pamilya nila ang nangunguna sa pinakamayamang pamilya sa buong bansa. Sila ang pinakamalupit na kalaban ng mga Mendez sa larangan ng negosyo. Si Don Red ay nalugmok dahil namatay ang paborito nitong anak na si Amanda Red. Nagsimulang humina ang kompanya nila. Doon naman nagsimulang umusbong at mamayagpag ang kompanya ng mga Mendez. Iniisip ng pamilya nila na ang mga Mendez ang dahilan ng pagkalugi ng kanilang negosyo. Marami pang mga usap-usapan tungkol sa sudden bankruptcy ng kompanya. Gustong gumanti ni Anton. Kaya nga lang, wala siyang laban sa mga Mendez. Si Lidia, ang bunso niyang anak ang guato magpatuloy ng paghihiganti." Saad ng isang lalaki.
"Kung ganun ay nais maghiganti ng batang Red. Hindi ako makakapayag. Hindi siya dapat magtagumpay! Hanapin niyo ang babaeng yan. I need to talk to her." Saad ni Sir Bernard.
Paghihiganti nga talaga ang nais nito.
Ano kaya ang pinaplano ng babaeng iyan? Sigurado akong handa yan. Kailangan naming mag-ingat. Baka ano pa ang pinaplano niya.
Okay, another update! Dalawang update kasi sobrang tagal ko bago nakapag-update ulit. Hope you like it!