Pasensya sa sobrang tagal na pag-update. Wala kasi akong wifi connection. Natagalan rin ako sa pag-iisip ng next na chapters. Pati na rin kung paano ko siya tatapusin. I hope you understand.
By the way, thank you sa mga readers nito. Salamat at sinuportahan niyo ako sa story na ito. Inuunahan ko na na puro flashback ang mangyayari sa chapter na ito dahil unti-unti ng bumabalik ang memories ni Erinne.Matapos ng pag-uusap na iyon ay hinayaan ko na lang sila. Hindi na ako bumaba. Pakiramdam ko ay mas lalo pa akong nakaramdam ng pagod.
Nalulungkot akong isipin na wala akong maalala. Pakiramdam ko ay Miss na miss ko ang mga taong nandito pero hindi ko sila maalala.
Nahiga nalang ako ulit at hinayaan ang sarili kong hilahin ng antok.
*******************
"LOVEKO, saan ba tayo pupunta?" Hindi ko mapigilang itanong.
"Basta. Maganda yung lugar na iyon. Hindi kita nadala doon nung bumibisita ka sa bahay. Lagi ka kasing kinakausap nila Mommy, Tine at Grandma. Hindi kita masolo sa bahay. Ngayon, nasa London sina Mom and Dad. Magkasama naman si Dave at Tine. Si Grandma naman ay nasa Japan. This is the right time para ipakita ko sa iyo ang lugar na iyon." Sabi niya.
"Ganun ba kaespesyal ang lugar na iyon at kailangan tayong dalawa lang ang makakita?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah, ginawa ko yun noong 18 years old ako. Sabi ko, dadalhin ko doon ang babaeng minamahal ko. I think, this is the right time to unfold that place." Sabi niya.
**********************
Dahan-dahan niyang binuksan ang gate na gawa sa kawayan. Namangha ako ng mamasdan ang nasa loob nito.
Mayroon akong nakitang butterfly garden. Mayroon ding nakatayong malaking bahay kubo sa gitna.
Napakalawak ng lugar. Kung iisipin mo, para kang nasa isang kaharian na napapaligiran ng mga bulaklak. Napakaganda.
************************
"I love you too, Clarence." I said then smiled sweetly.
*************************