Courtship

162 3 0
                                    

Habang nasa sasakyan kami ay bigla nalang nagsalita si Boss.

"For you, what is a perfect date?" Tanong niya.

"Boss, bakit naman perfect date ang gusto niyo?" Sabi ko.

"I want this first date to be perfect." Sagot niya.

"Boss, for me, there is no such a perfect date. Kahit nga yung mga pinagplanuhan ay hindi rin perfect. I want my first date to be somewhat, unforgettable. Well, para sa akin lang naman po yun. Ewan ko po sa inyo." Sabi ko.

Napangiti naman siya.

"Alam mo, you are so different. You are unique in your own ways." Sabi niya.

Kinilig naman ako dun.

"Eh, Boss? Pwede magtanong?" Sabi ko.

"Yeah." Tipid niyang sagot.

"Bakit niyo po ako niyayang magdate?" Tanong ko.

"I want to confirm something." Sabi niya.

Confirm Something? Ano kaya yun?

Ellissa, wag mo munang isipin yan. Isipin mo kung paano magiging unforgettable ang date na ito.

Tumingin ako sa bintana. Nagmuni-muni. Wala lang, feel ko lang.

Maya-maya ay dumaan ang kotse sa may park. Mayroon yatang event ngayon.

"Boss, pwedeng dito muna tayo?" Sabi ko.

Itinigil niya naman ang sasakyan sa may park.

"Anong gagawin mo dito?" Tanong niya.

"Dito ang ating first destination." I said cheerfully. Napailing na lang siya.

"Ako ang bahala sa second destination." Sabi niya. Tinanguan ko lang siya.

Habang naglalakad kami ay may batang lumapit sa amin. Nagbebenta siya ng bulaklak.

Red roses. Fresh red roses.

"Ma'am, Sir, bulaklak po. Sir, bigay niyo po sa asawa niyo." Sabi niya.

Napaubi naman ako sa sinabi nung bata.

"Ahm....bata...ano-

"Bibilhin ko na yan lahat." Sabi ni Clarence.

Nagulat ako. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa bata.

"Talaga po? Salamat po!" Masayang sabi nung bata. Nagniningning ang mata niya sa saya.

Tumango lang si Clarence sabay abot ng isang libo sa bata.

Napatingin naman ang bata sa pera.

"Sobra po ito Sir." Sabi niya.

"Sa iyo nalang yan lahat." Sabi niya.

Nginitian siya ng bata bago umalis.

Pagkaalis ng bata ay ibinigay niya sa akin ang isang dosenang red roses.

"Boss naman.....bakit niyo naman ibinigay sa akin to lahat?" Tanong ko sa kanya.

"I thought you like a lot of flowers." Sabi niya.

Yeah, I like flowers, a lot.

Lihim akong napangiti. That was so sweet. Giving flowers is a usual move, it is up to you on how you will make it more sweet.

"Boss, doon tayo." Sabi ko sa kanya sabay turo sa nagbebenta ng cotton candy.

"You're eating cotton candies?" Tanong niya.

Heal his Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon