5

22.7K 466 10
                                    

Chapter 5

Lexi's Pov

Buong pwersa ko siyang tinulak,kung sino man siya.

"Ano ba pwede bang layuan mo na ko, sino ka ba?bat mo ba ginagawa sakin to!"sigaw ko dun sa lalaki.
Nang makakuha ng tyempo at agad agad kong inalis ang piring sa mata ko at Wala na Siya!?

"Lexi anong nangyari?"bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa si Xavier na hinihingal at mukang tumakbo,iginala ko ang paningin ko tumingin pa ako sa likod niya pero wala na talaga yung lalaki.

"Hindi nandito siya eh nakita ko siya kanina nandiyan lang siya"wala sa sariling sabi ko,habang nalingon lingon sa paligid para akong mababaliw sa mga nangyayari.

"Sino ba yun Lexi?Sinong siya ikaw lang ang tao dito Lexi"pagpapakalma ni Xavier at tinapik tapik pa ang likod ko.Pinaupo niya ako sa Sofa at pinilit pa akong pakalmahin.

"Ok Lang yan Lexi shhh nandito lang ako"sabi niya at mahigpit akong niyapos."Kung sino man yun,ako na ang bahala sayo"sabi niya pa,napatahimik naman ako at tinignan lang ang muka niya at nakita kong nakapikit siya at nakangiti.Napatitig lang ako sakanya.

Dahan dahan niyang minulat ang mata niya at isang malawak na ngiti ang binigay niya sakin.
Napaiwas naman agad ako ng tingin sakaniya.

"Hmm gusto mo bang bantayan kita?"medyo nag aalangang tanong niya,lumayo ako sakaniya at tumikhim

"Hindi kaya ko na sarili ko"sabi ko at tinulak siyang palabas.Inabot niya muna sakin yung susi ng kotse ko at umalis na.

"Ingats"sigaw niya pa."Oo nalang"sagot ko at sinara yung pinto,sumandal ako sa pinto at doon lumitaw ang ngiti ko sa kawalan.Ipinilig ko nalang ang ulo ko at inalis lahat ng iniisip ko,nag half bath muna ako bago natulog.

Pag ka gising ko nag unat unat muna ako bago bumangon.Pag punta ko sa kitchen ay may pagkain na naman.Malamang sa malamang pumunta siya dito.Kinain ko na ang mga pagkain alangan naman itapon ko sayang ihh.

Nagbihis na ako at sumakay sa kotse ko papuntang school,pagkababa ko palang sa kotse ay may lumapit agad saking babae,classmate ko.
"Lexi Lexi tara pumunta ka sa oval"yaya sakin ni Syria.

"Huh bakit anong meron!"sabi ko para kasing nag papanic siya.
"Basta basta Tara na!"kinaladkad niya ako kaya nagpakaladkad nalang rin ako.

Pag Punta namin sa oval halos lumuwa ang mata ko.
Andaming bangkay jusko!naka korte yung mga bangkay na LEXI, eh ako lang naman ang kilalang Lexi dito.Mula sa malayo ay nakita ko si Kaizer na nakatitig lang siya sa mga bangkay.Hindi ba siya natatakot?

"Uyy lexi anong meron ---wahhh"sabi ni Xavier na agad napatakip ng bibig nang makita yung mga bangkay,wala sa sariling tumulo yung luha ko dahil parang ako ang nakokonsensya kahit wala naman akong ginagawa.

"Huyy lexi lexi"tinapik tapik ako ni Syria pero para akong manhid at hindi makagalaw,hindi mawala ang paningin ko sa mga bangkay na walang habas na pinagpapatay ng kung sino man.Wala akong maramdaman kundi awa at takot.
Maya maya lang ay bigla nalang nandilim ang paningin ko at biglang bumaksag ang katawan ko sa damuhan.

"Lexi.Lexi"rinig kong nag kakagulo ang lahat.

Xavier's Pov

Agad ko siyang binuhat at dinala sa clinic.

Nakatingin lang ako sa mukha niyang napakaamo na mukang anghel.
Hiniga ko siya sa kama at hinawi ko ang buhok niyang nakaharang sa maganda niyang muka.

"Anong nangyari sakanya?"tanong nung nurse na kakalapit lang samin.

"Nawalan ho ng malay"nag aalala kong sabi,lumapit yung nurse kay Lexi at may chineck pa sakaniyang kung ano ano.

"Ok mukang ayos naman siya, siguro dahil pagod lang at stress"sabi nung nurse at ngumiti,kaya tumango nalang ako.Umalis na yung nurse.
Tinabihan ko si Lexi at tinitigan ang muka niya.

Sabihin ko na kaya? Sabihin ko na kaya ang nararamdaman ko para sakaniya,yung nararamdaman kong matagal ko nang kinikimkim.Marahan kong hinawakan ang pisngi niya.Bigla namang may pumasok at kinuwelyuhan ako.

"Hoyy sino ka"sabi ko dun sa lalaki.Ngumisi ito
"Hindi mo na kailangan malaman pa layuan mo si Lexi kung ayaw mong mamatay"sabi niya at tinulak ako palabas at sinarhan ako ng pinto.

"Hoy gago ka buksan mo to anong gagawin mo kay Lexi"sigaw ko pa at kinalampag ko yung pinto.

Lexi's Pov

"Hmmm Sino bayun ang ingay puta"bulong ko habang nakapikit.

Dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang lalaking hindi ko kilala na unti unting nakilala ko na ng luminaw ang paningin ko.
"C-Clark anong ginagawa mo dito"tanong ko kay Clark na nakatingin lang sakin.

Ngumisi lang ito bago lumabas.
"Hoy gago,duwag bumalik ka"sigaw ni Xavier kay Clark na naglalakad na palabas,humarap siya sakin at nilapitan ako.
"Ayos kalang ba may ginawa ba siya sayo"nag-aalalang sabi ni Xavier.

"W-wala"nakatulalang sabi ko.
Wala sa sarili akong tumayo at dumaretso sa room,ramdam ko pang nakasunod sakin si Xavier.

"Ms.Lexi ayos ka naba?"tanong ni prof, tumango tango na lng ako at lumingon kay Xavier na nag-aalala.

"Okay na ako Xavier,pumasok ka na sa klase mo"nakangiting sabi ko sakaniya at tinalikuran siya.Naglakad na ako palapit sa upuan ko at hindi ko na pinansin ang matalim na tingin ni Kaizer sakin.

"As I was saying I gugroup ko kayo sa tatlo kailangan niyong gumawa ng report about love pwedeng love sa family,friends,boy friend girlfriend at iba pa"sabi ni prof,pls sana matalino ang kasama ko.

"Hmm ok Gutierrez,Guivar at Gustill"-prof

"Lux,Luvino at Levar"sabi ulit ni Prof.
"Montereal,Montenegro,Nuvillo"namutla ako ng sinabi ni Prof iyon,nagprotesta agad ang katawan ko.

"No ma'am"tumayo ako at sabay nun ang pagsigaw ko.
"Any problem ms.Montereal?"tanong ni prof.
"Pwede po bang Iba nalang ka group ko"pagpoprotesta ko sa kaniya

"Hindi pwede ms.Montereal take your seat"matigas na sabi ni prof,napa upo nalang ako tinignan ko si Kaizer na  nakangisi lang.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon