Chapter 20
Lexi's Pov
"Good mornengg Monday"sigaw ko habang nag-uunat unat ng kamay uminom ako ng tubig bago magtungo ng banyo,habang naliligo naalala ko yung pag-uusap namin ni Xavier kagabi.
FLASHBACK....
Habang nagbabasa ako ng pocketbooks kahapon ay biglang....
*RING*
"Oh bakit?"
"Lexi hindi ako makakapasok bukas"
"Huh??Bakit?"
"May business trip kami eh,meron kasing bumili ng properties namin kaya kailangan namin asikasuhin"
"Ilang araw kayo dun?"
"3 araw Lexi kaya mag-ingat ka ahh!Kahit wala ako mag-iingat ka parati Luv you"
*TOOT* *TOOT*
Kaya ayun,walang magsusundo sakin.Tinapos ko na ang paliligo ko at nag suot na ng uniform ko,pagbaba ko ay nandoon na si Mommy at Daddy.
"Asan si Kuya?"
"Nasa kwarto niya tulog pa"
"Anong oras na po ba naka uwi yun?"tanong ko habang umuupo sa upuang katapat ni Mommy.
"2 AM na eh,marami daw atang pasyenteng sinugod kahapon dun sa hospital na pinapasukan niya ngayon"
"Ahhh"sabi ko at kumuha ng hotdog,sinangag,egg,bread at bacon.Tinignan naman ako ni Daddy at Mommy na parang nagtataka.
"Gutom na po ako e hehehehe"sabi ko at kumagat ng hotdog,susubo na sana ako ng sinangag kaso naasiwa ako sa amoy ng bawang kaya...
NAPATAKBO AKO SA SINK AT SUMUKA....
"Dear,ayos ka lang ba?"
"*BWAAA* *UBO* Ahhh opo okay lang po ako di ko lang po nagustuhan yung amoy nung bawang"sabi ko at nagmumumog,inalalayan naman ako ni Mommy bumalik sa upuan.Inusod ko yung pinggan na may sinangag dahil nasusuka ako pagna-aamoy ko.
"Here it this bread"abot ni Mommy sakin nung bread,kinuha ko naman yun at nilagyan ng bacon at kinain.Nang matapos akong kumain ay nagpa alam na ako sakanila.
"Mommy,Daddy papasok na po ako"malambing na sabi ko at yumapos kay Mommy,niyapos niya rin ako at tumingin kay Daddy
"Hon,bye na daw"sabi ni Mommy tumungin naman ako kay Daddy at seryoso siyang nakatingin sakin kaya naman nailang ako pero niyapos ko pa rin si Daddy,tinapik naman niya ang balikat ko at bumulong
"Sana mali ang naiisip ko"seryosong sabi niya pa at tinalikuran ako
'Huh,hanuuu dawww'
Di ko na pinansin pa at nagpahatid nalang sa driver namin.
"Manong Badong kamusta po kayo"
"Okay,naman Ma'am"
"Buti naman po,sana po ay isama niyo yung mga anak niyo sa birthday ko next month"
"Ayyy syempre naman po ma'am,pero napansin ko pong gumanda po kayo lalo"
"Ay salamat po hehehe"
Nang marating namin yung school ay bumaba na ako at dumaretso sa room ko,nagtaka naman ako kung bakit nakapatay ang ilaw kaya naman binuksan ko yun at nagulat ako ng makita ko si.....
KAIZER....
Oo,si Kaizer natutulog siya sa desk niya kaya naman lumingon lingon ako dahil baka mamaya ay may mandakip sakin at patibong niya lang pala toh.Pero nung maramdaman kong wala ayyy lumapit nako ay lumapit na'ko at maingat na umupo sa tabi niya.
Tinignan ko naman ang maamong muka niya habang natutulog,ewan ko pero hinihigop ako ng mga labi niya kaya iniwas ko ang paningin ko at naglabas nalang ng pocketbook.
"Mahal kita,pero iba na ang mahal mo ayaw kitang pakawalan pero satingin ko ay eto na ang pinakamadaling paraan para sumaya ka"sabi nung lalaki sa story
"Umalis ka na at wag ka nang magpapakita pa hindi na kita mahal pa,mahal ko na si Carlos hindi na kita mahal"naiiyak na sabi nung babae.Tumango naman yung lalaki at pinunasan ang luha sa mata niya bago siya talikuran.Simula noon ay hindi na niya nakita pang muli ang lalaki at nagsama sila ni Carlos ng masaya,pero ang akala niya ay mahal din siya nito pero pinagpustahan lang pala siya ng mga ka tropa ni Carlos kaya lumubas siyang nalungkot at nagsisi.Hanggang sa isang araw ay nakita niya ang lalaking minahal niya noon,nabili ito ng damit na pambata sa mall.Lumapit siya sa lalaki pero hindi siya nagpakita,hanggang sa may lumapit na isang magandang dalaga sa lalaki at hinalikan ito sa labi.Nakaramdam siya ng lungkot,pagsisisi at panghihinayang nang makita niyang may karga ang babae na sanggol.
"Mahal na mahap kita"sabi nung lalaki,kaya naman napahawak siya sa dibdib niya at nagmamadaling umalis sa mall,hanggang sa hindi niya namalayan ang jeep na bubunggo sakaniya.
*SNIFF*
Napaiyak ako dahil ang tanga nung babae,porket mas guwapo si Carlos kaysa dun sa lalaki ay mas pinili niya parin yun tanga niya...Bobo mo wahhhh nakakainis ka.Pinunasan ko ang luha sa mata ko at maya maya pa ay....
"LEXI,MAHAL NA MAHAL KITA"napatingin naman ako kay Kaizer,naiiyak siya habang natutulog malamang nananaginip 'toh pero di ko nalang pinansin at nagbasa pa ulit ng pocketbook
"Diba pinangako mo sakin na hindi mo ko iiwan,na tayo lang habang buhay na poprotektahan mo ko at poprotektahan din kita.Ikaw lang kasi ang nakakaintindi sakin at ikaw lang ang babaeng nagpaparamdam sakin na may halaga ako at hindi ako mag-isa. *SNIFF* Kahit di kita pinapansin noon ay nangungulit ka parin kahit nasasaktan ka noon ay nangungulit ka parin hanggang sa nahulog ang loob ko sayo tapos pinangako mong hindi mo ko iiwan dahil.Mahal mo rin ako,ayoko lang naman na maagaw ka sakin kasi sayo ko lang nararamdaman ang kapayapaan aa dibdib ko tapos pag may lumalapit sa'yo feeling ko aagawin ka nila sakin ayoko akin ka lang"umiiyak na sabi niya kaya naman napakunot ang noo ko
'Sinabi ko ba yun?!'
Nagsimula na siyang humagulgol kaya naman nakaramdam ako ng pag-aalala,sinundot ko ang pisngi niya para gisingin siya.
"Uyyy"tinapik ko na ang pisngi niya kaya naman naramdaman ko ang init niya,hinipo ko ang leeg niya at sobrang init niya.Nangangatog ang bibig niya pati ang katawan niya.
KINUKUMBULSYON SIYA...
"Hoyyyy,gumising ka"
"...."
"Kaizer you have a fever"hindi parin siya gumising at talagang nangangatog parin ang katawan niya
"It's cold"sabi niya pa habang nangangatal ang mga labi niya,nag papanic naman ako dahil wala akong alam sa mga bagay nato
"Wait,hihingi ako ng tulong"sabi ko at umastang tatayo pero pinigilan niya lang ako at hinawakan sa braso.
"Stay,stay beside don't leave me alone i am scared to be alone"bulong niya habang nakapikit,nagitla ako ng hinila niya ang braso ko at niyakap ako ng...
MAHIGPIT,naramdaman ko ang bilis ng puso ko..
BINABASA MO ANG
Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)
RomanceFormer Title: My Ex-Boyfriend's Obsession