Chapter 37-Our Fate
Lexi's Pov
Nang makauwi nako sa bahay ay nagpasalamat muna ako kay Luke bago pumasok ng bahay.Dinatnan ko ang kabuuan ng bahay namin,alam kong nilinis iyon ng kambal ko para hindi na ako mahirapan pag uwi ko.Tumuloy ako sa kwarto at nadatnan ko ang kambal ko na natutulog,si Khalex ay may hawak na notebook na parang may sinulat doon.Kinuha ko yun at binasa.
Sto.Nino,sana po buhayin niyo po si Daddy para hindi na po nahihirapan si mommy ko.Naaawa po ako sa kalagayan niya,she doesn't deserve this kinda shit.My mommy deserve to be happy.
Naluha ako nang binasa ko ang sulat niya,buong buhay nila ang alam nila ay patay na ang tatay nila.At alam ko sa sarili ko na gustong gusto nila magkaroon ng tatay pero hindi ko maibibigay yun dahil hinding hindi ko na kayang masikmura ang kademonyohan niya.
Muling nanoot sakin ang mga ala-alang nangyari noon at sa isang iglap ay sunod sunod ang pagpatak ng luha sa mata ko,napahawak ako sa dibdib ko dahil naninikip ito.Pinigilan kong humikbi pero taksil ang labi ko at malalakas na hikbi ang kumawala dito.Lumabas ako ng bahay at dumaretso sa puno ng narra na malapit sa ilog,doon ako sumandal habang tuloy tuloy ang pagluha ko.
"Why are you always in my mind?I want to forget you,i want to remove you to my memories...i wish i didn't met you..i wish i didn't marry you"hagulgol ko habang yakap yakap ang sarili ko.
"It's really hard to forget you even years passes by,you are still the one inside my heart,my mind and my soul...Pero may patutunguhan pa ba ang nararamdaman ko kung may sariling pamilya ka na?!"patuloy lang ako sa paghagulgol hanggang may naramdaman akong papalapit sakin,hindi ko na nilingon yun dahil kilala ko na kung sino.
"Lexi"tawag ni Luke,hindi ako tumingin sakaniya at patuloy parin sa pag-iyak.
"I-i am s-sorry,i cry again"lagi ako nakikita ni Luke na umiiyak noon at pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak sa iisang dahilan lang.
"Shhh..natural lang sa babae yun"sabi ni Luke at tumabi sakin,inakbayan niya ako at pinatingin sa kaniya.Nagsalubong ang mata namin at doon ko nakita ang emosyon na dumaan sa mata niya pero agad din nawala,ngumiti siya sakin at pinahid ang luha sa mata ko.
"Hindi na ako magsasalita hahayaan nalang kitang umiyak sa balikat ko"sabi niya at inilagay ang ulo ko sa balikat niya.Pumikit ako at inalala ang nangyari nang makita niya akong nakikipagtalik noon kay Xavier.
FLASHBACK (8 Yrs Ago)
"NO!NO!NO!This is all your fault!"sigaw niya sakin at dinuro duro pa ako.Walang humpay ang pagdaloy ng luha sa mata ko,namatay ang anak ko!
"Dahil sayo namatay ang anak ko"sigaw niya sakin,nasa ospital kami ngayon at umaalingawngaw ang bunganga niya sa buong ospital na to.
"S-sir calm down"may lumapit na lalaking nurse sakaniya hahawakan na sana siya ng biglang ibalibag ni
Kaizer."Kaizer"sigaw ko.
"Bakit?"humarap siya sakin ng walang emosyon sa muka niya,natatakot ako.Napaseryoso ng muka niya,namumula ang muka niya at nag-iigting ang panga niya.Inalis niya ang unang butones sa poloshirt niya.
"Damn,what have you done?"tanong niya sakin,napakaseryoso ng muka niya.
"Kaya ba galit ka sakin?Hindi pa ba ako sapat sayo?Kulang pa ba yung mga binibigay ko sayo?O sadyang gusto mo lang tumikim ng bagong putahe"tanong niya sakin habang pigil na pigil ang emosyon.Nakikita ko ang panggigilid ng luha sa mata niya.
"Hindi mo maintindihan Kaizer--"pinutol niya ang sasabihin ko.
"Hinding hindi ako makikinig sayo,sinungaling ka!You said i am the only one you love,but you lied to me and you also killed my child..I will never forgive you"galit na galit na sabi niya at sinuntok ang pader na malapit sakaniya.Agad akong napahagulgol.
BINABASA MO ANG
Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)
RomanceFormer Title: My Ex-Boyfriend's Obsession